Isang anak, hindi napigilang maiyak ng mapagtanto ang hirap at sakripisyo ng kanyang ama

327

Walang ideya ang ibang mga anak sa mga sakripisyo ng kanilang mga magulang.

Viral ngayon sa Facebook ang isang post ng netizen na si Adi Relqno kung saan makikita ang pagtitiis ng kanyang ama.

Nag upload kasi ng video si Adi kung saan patago niyang kinuhaan ang kanyang ama. Sa nasabing post, makikita na nag uulam ng sibuyas at toyo ang kanyang ama.

Ayon kay Adi, palagi daw nagpapahuli ang kanilang tatay kapag oras na ng kain. Nagtataka daw siya na bumabangon sa hating gabi ang kanyang tatay.

Hanggang sa naisip niyang sundan ito at tignan kung ano ang ginagawa. Laking gulat niya nang makita niyang nag uulam ng sibuyas at toyo ito.

Kasalukuyang naghihirap pinansyal ang pamilya ni Adi nang masagasaan daw ng truck ang kanyang tatay. Sa follow up post niya, mekaniko umano ang ama niya sa ibang bansa.

Sa kasamaang palad, nagtamo ng baling buto sa braso ang haligi ng kanilang tahanan at naging dahilan  na hindi ito makapag trabaho.

Humingi naman ng tulong sa netizens si Adi na makarating sa tanggapan ni Raffy Tulfo ang kanilang hinaing. Hindi pa din daw kasi nabibigyan ng hustisya ang nangyari sa kanilang pamilya.

Ang RJM CARGO EXPRESS na kumpanya umano ang nakabangga sa kanilang ama na hanggang ngayon ay hindi pa din daw binibigyan aksyon ang insidente.

Samantala, marami naman ang naantig sa video na inupload ni Adi sa social media.

Tatlong Dalagang Matalik Na Magkakaibigan, Nakamit Ang Kanilang “BFF Goals” Na Sabay-Sabay Silang Maging Lisensiyadong Doctor

Madalas sa ating kabataan, hindi nawawala ang mga pagkakataon na magkaroon tayo ng mga matatalik na kaibigan kung saan sila ang nakakasama natin sa lungkot at ligaya. Sila ang klase ng mga kaibigan na kailanman ay hindi ka iiwanan at sabay-sabay niyong inaabot ang inyong mga pangarap.

Sa panahon ngayon, nauuso ang mga friendship goals ng mga magkakaibigan. Ito yung sabay kayong nangarap at sabay niyo ring nakamit ang inyong mga mithiin sa buhay. Narito ang isang kwento ng tatlong dalaga na matalik na magkaibigan, na nagkaroon ng “BFF Goals” at sabay din nila itong natupad.

Kilalanin natin ang tatlong matalik na magkakaibigan na sina Joieanne Marie Macarubbo, Marie Clare Perez and Jovine Martin. Ang kanilang nakaka-inspired na kwento ay ibinahagi ni Joieanne Marie kung saan ang kanyang pangalan sa facebook ay si Ching Macarubbo.

Ang tatlong dalaga na ito ay matagal ng matalik na magkaibigan simula pa noong sila ay nasa high school. Sabay silang tatlo nakapagtapos ng high school at sabay rin silang pumasok ng kolehiyo sa Cagayan State University.

Silang tatlo ay pareho ng pangarap sa buhay at iyon nga ang maging isang registered Doctor. Kaya naman nang makatuntong sila ng kolehiyo, pareho sila ng kurso at ito nga ang medisina. Isa sa naging “BFF Goals” nilang tatlo ay ang sabay silang makakapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo at magiging isang ganap na doktor.

Sa facebook post ni Ching na may caption na, I can still vividly remember the day we took the first photo. The foundation of our dreams. 2011, the year we graduated highschool. Never have I imagined graduating together again with these two, neither have we talked about going in the same school.

We just found ourselves applying in the same college. We have gone through so much during the years, on the brink of failure, crying ourselves out almost every night, tired & restless especially during our clerkship, but never took quitting as an option. Now, 9 years from that day, here we are, living our vision.

Truly, the future belongs to those who believe in the beauty of their dreams. Wouldn’t have survived medschool without you two And ofcourse the support of our dear parents

Kanyang ibinahagi kung gaano sila kasaya na napagtagumpayan nilang magkasama ang kanilang naging goal sa buhay. Hindi man nila inakala na ang kanilang mga puso ay makadugtong ng kapalaran, dagdag pa ni Ching nagulat na lamang daw siya noong una ng makita nilang tatlo na parehong kurso ang kanilang kukunin. Doon na nila napagtanto na hanggang sa pagkamit ng kanilang pangarap ay magkasama pa rin sila at walang iwanan.

Labis din silang nagpapasalamat sa kanilang mga magulang na walang sawang sumusuporta sa kanila. Tunay silang inspirasyon para sa mga kabataan na hindi tumitigil na makamit ang kanilang mga pangarap.