Isang Factory Worker Madalas Husgahan Dahil sa laging itlog at tuyo ang kanyang ulam ngunit nagbago ang trato sa kanya ng isang iglap

3091

Sa ating lipunang ginagalawan, hindi naiiwasan ng tao ang manghusga. Nagiging natural sa tao ang maghusga sa mga bagay na hindi inaalam ang tunay na kwento ng buhay ng isang tao. Kaya madalas nakakasakit tayo ng damdamin ng ating kapuwa, at hindi iyon nagdudulot ng magandang samahan. Narito ang kwento ng isang lalaking hinusgahan ng dahil lamang sa kanyang inuulam sa araw-araw. Tunghayan natin ang kanyang kwento.

Ito ang kwento ng isang factory worker na si Raul, walong taon na siyang nagtatrabaho sa factory. Ayon kay Raul, madalas daw siyang pagtawanan at husgahan ng kanyang mga katrabaho dahil sa kanyang pagkain sa araw-araw. Ang kanya kasing ulam sa araw-araw ng kanyang pagtatrabaho ay itlog at tuyo lamang. Kahit pa raw sa araw ng sweldo nito ay ganoon pa rin ang kanyang pagkain, sa walong taon ng kanyang pagtatrabaho ganoon at ganoon lang ang kanyang ulam.

Kaya imbis na magalit si Raul sa pangungutya sa kanya, ay ngumingiti na lamang siya. Ayon pa kay Raul, kaya naman raw niyang bumili ng masasarap na pagkain na pang ulam hindi lang daw talaga niya ginagawa kasi siya ay nagtitipid. Nagtitipid siya sa kadahilanang siya may mga importanteng bayarin. Kaya naman sa tagal ng kanyang pagtatrabaho bilang isang factory worker, wala daw siyang naging kaibigan dahil nilalayuan siya ng mga ito. Madalas rin daw niyang marinig na siya pinagtatawanan ng palihim at laging pinaparinggan siya ng kanyang mga katrabaho.

Minsan isang beses sa pagpunta ni Raul sa kanilang kantina upang doon kumain, ay naging sentro na naman siya ng tukso dahil sa kanyang dalang pagkain. Kasama sa mga ito ang kanilang team leader na si Reah, na siya pa mismong kumutya kay Raul kung bakit laging itlog at tuyo ang kanyang inuulam. May agam-agam man ang kanyang pagsagot, ngunit sinagot niya ito ng may buong lakas-loob. Sinabi niyang siya ay may importanteng binabayaran sa kanilang bahay, ngunit gayunpaman nagpatuloy pa rin ang pangungutya sa kanya. Kaya lumipas ang mga araw napansin na lamang ni Reah na hindi pumapasok si Raul matapos niya itong hiyain sa harap ng maraming tao.

Isang gabi, ang kanilang head manager ay pinatawag lahat ang kanilang team leader ng kanilang factory para sa isang mahalagang anunsiyo. Ang anunsiyong ito na mayroon na silang bagong supervisor na itatalaga sa departamento ng grupo ng team leader na si Reah. Kaya laking gulat ng lahat ng makita nilang si Raul pala ang kanilang bagong supervisor. Nakaramdam si Reah ng pagkahiya dahil sa kanyang maling pagtrato niya kay Raul noon. Agaran namang siyang humingi ng paumanhin kay Raul, at sinabihan siya ni Raul ng “maging silbing aral para sayo na huwag agad manghuhusga ng kapuwa”.

Dahil nga walang kaibigan si Raul sa kanyang trabaho, wala man lang nakakaalam na isa pala siyang working student. Kaya lahat ng nangutya sa kanya noon ay humingi ng tawad sa kanilang ipinakitang panghuhusga. Ngayon ay maayos na ang kanyang relasyon sa kanyang mga katrabaho dahil sa malaking pagbabago sa kanyang estado pati na rin ang kanyang dalang aral sa mga ito.

Naρakagandang Girlfriend, Tυℓυyang Iniwan Ang Kaniyang Boyfriend Dahil Lamang Sardinas Ang Ulam Nila Araw Araw

𝙸𝚜𝚊𝚗𝚐 𝚜𝚒𝚖𝚙𝚕𝚎𝚗𝚐 𝚋𝚒𝚗𝚊𝚝𝚊 𝚕𝚊𝚖𝚊𝚗𝚐 𝚜𝚒 𝙼𝚊𝚛𝚔. 𝙼𝚊𝚜𝚒𝚙𝚊𝚐 𝚜𝚒𝚢𝚊𝚗𝚐 𝚗𝚊𝚐𝚝𝚊𝚝𝚛𝚊𝚋𝚊𝚑𝚘 𝚋𝚒𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚒𝚜𝚊𝚗𝚐 𝚓𝚊𝚗𝚒𝚝𝚘𝚛 𝚞𝚙𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚝𝚞𝚜𝚝𝚞𝚜𝚊𝚗 𝚊𝚗𝚐 𝚔𝚊𝚗𝚒𝚢𝚊𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚗𝚐𝚊𝚗𝚐𝚊𝚒𝚕𝚊𝚗𝚐𝚊𝚗 𝚊𝚝 𝚖𝚊𝚊𝚋𝚞𝚝𝚊𝚗 𝚗𝚐 𝚙𝚎𝚛𝚊 𝚊𝚗𝚐 𝚔𝚊𝚗𝚒𝚢𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚖𝚊𝚐𝚞𝚕𝚊𝚗𝚐.

𝙰𝚝 𝚐𝚊𝚢𝚊 𝚗𝚐 𝚒𝚒𝚕𝚊𝚗, 𝚗𝚊𝚒𝚜 𝚍𝚒𝚗 𝚗𝚒𝚝𝚘𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚔𝚊𝚝𝚊𝚐𝚙𝚘 𝚗𝚐 𝚋𝚊𝚋𝚊𝚎𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚖𝚊𝚑𝚊𝚕𝚒𝚗 𝚜𝚒𝚢𝚊 𝚑𝚊𝚋𝚊𝚗𝚐 𝚋𝚞𝚑𝚊𝚢.

At sa kabutihang palad ay natagpuan siya si Jeniffer.

Si Jeniffer ay nagtatrabaho bilang isang crew sa fast food chain noong makilala niya si Mark.

Nag umpisa sila bilang magkaibigan, hanggang di nagtagal ay lumalim ang kanilang pagtitinginan na nauwi sa pag iibigan.

Mula nito ay nag pasya ang dalawa na tumira magkasama.

Ngunit hindi tulad ni Mark ay iba ang takbo ng utak ni Jeniffer.

Para sa kaniya ay sa oras na magkaroon siya ng nobyo ay magiging responsibilidad na nito na buhayin siya at hainan ng pagkain sa araw-araw, kung kaya naman nag resign ito sa trabaho at pinilit si Mark na mag doble kayod upang sabay-sabay na bayaran ang lahat na gastusin na mayroon sila.

Ngunit katagalan ay palagi nang napapansin ni Jeniffer na madalas sardinas ang kanilang ulam mag kasintahan.

At imbis na intindihin ang sitwasyon ay madalas pa itong nagagalit kay Mark dahil hindi nito matanggap na pinapakain lamang siya ng nobyo ng sardinas.

Makailang beses na rin siyang pinakiusapan ni Mark na magtrabahong muli upang makatulong sa mga gastusin ngunit hindi pa rin ito maunawaan ni Jeniffer.

Bagkus, ay nag simula itong manlamig sa binata, hanggang sa hindi na ito umuuwi ng ilang araw, dahilan upang mag alala ang nobyo.

Ngunit sa pagbalik ni Jeniffer ay labis na ikinagulat ni Mark na hindi na siya kinikilala ng dalaga bilang kaniyang nobyo, at may nahanap na itong iba na bubuhay sa kaniya!

Labis ang hinagpis ng binata at nangakong balang araw ay ipapakita niya sa dating nobya na magiging matagumpay ito balang araw.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!