Isang Lalaki, Successful Sa Pagtanim Ng Kauna-Unahang Puno Ng APPLE Sa Pilipinas

Kamakailan lamang, ang netizen na si Benzone Kennedy Franes Sepe, isang graduate student sa State College's Agriculture Technology sa Da...

587
Kamakailan lamang, ang netizen na si Benzone Kennedy Franes Sepe, isang graduate student sa State College’s Agriculture Technology sa Davao del Sur, ay naging viral sa social media matapos kumalat ang kaniyang post tungkol sa ginawa niyang pagpapalaki ng mansanas. Kaya naman marami sa mga netizens ang nagtatanong sa kaniya kung paano niya nagawang palakihin ang isa sa mga sikat na prutas sa buong mundo.

Hindi naman naging madali kay Sepe na magpalaki ng mansanas, lalo pa at dito sa Pilipinas. Nagsimula naman ang proyektong ito ni Sepe noong 2014 kung saan siya ay nagtanim ng tatlong buto ng mansanaas sa kanilang bakuran ngunit ang dalawang buto nito ay namatay matapos lamang ang ilang buwan.

Ngunit, nanatiling positibo si Sepe at naniwala siya na lalaki ang pangatlong buto ng mansanas. Dahil isa na lamang ang buto ng natira sa mga tinanim niya, siya ay nag-pokus dito at nagpatuloy sa kaniyang pananaliksik kung paano niya maaaring mapalaki ang puno ng mansanas.

Dahil sa kaniyang kaalaman kung paano mag-alaga ng halaman at dahil na rin sa tulong ng internet, nagawa niyang palakihin ang buto ng mansanas. Aniya,

“I pruned the plant but it did not end there. I found out a proper way on the internet and that the branch should be bent for sunlight exposure.”

Makalipas din ang ilang taon ng kaniyang paghihintay na maging isang ganap na puno ang buto ng mansanas na itinanim niya noon, nagulat na lamang siya nang isang araw ay mapansin niya na ang mga bulaklak ng puno ay nagsisimula na ring lumago, senyales na ang puno ng mansanas ay malapit ng magkaroon ng bunga.

Ilang buwan ang nakalipas, nakapag-ani na si Sepe ng apat na mansanas. Nang siya naman ay tanungin kung ano ang kundisyon nito, sinabi niya na,

“I cannot see any difference between that and a commercial apple because the juiciness and crunchiness are still there.”

In-upload naman ni Sepe ang mga videos na ito sa kaniyang YouTube channel na ‘Kapatagan Apple Orchard Digos City Benzone’ kasunod ng pagkakaroon ng bunga ng kaniyang puno ng mansanas. Ito rin ay maituturing na kauna-unahang puno ng mansanas na tumubo sa bansa.

Tunghayan Ang May Pinakamalinis Na Palengke sa Pilipinas, Pati Ang Mga Palikuran Nito Ay Hindi Magpapahuli Sa Kalinisan

Kapag narinig natin ang salitang “wet market”, isa lang ang pumapasok sa ating isipan kundi ang maputik, basa at malansang amoy sa isa palengke. Ngunit kahit ganito man ang katotohanan sa mga tipikal na palengke marami pa rin naman ang tumatangkilik.

Sa kabilang banda, maniniwala ka bang may isang lugar sa Pilipinas na ubod ng linis ang kanilang palengke? Ito ang palengkeng matatagpuan sa isang lugar sa Bukidnon Province, kung saan ang kanilang pamilihang bayan ay naging usap-usapan sa social media dahil sa nakakamanghang kalinisan nito. Makikita ang kuhang larawan ng lugar na ibinahagi ng netizen na si Kyle Jennerman sa kaniyang social media account.

Kitang-kita sa larawan na talagang hindi aakalain na isa itong wet market na maituturing dahil sa sobrang linis at maaliwalas ang lugar. Kahit ang mga palikuran ng palengke ito ay napaka-linis rin. Taliwas ito sa nakasanayang palengke na laging pinupuntahan ng mga tao sa tuwing mamimili ng mga supply ng pagkain. Kapansin-pansin rin na walang makikitang ultimo maliit na kalat sa loob ng kanilang palengke. Ang buong wet market na ito ay ubod ng linis at sinong mag-aakalang pwede palang magkaroon ng ganitong wet market.

Dahil sa kalinisan ng Maramag Public Market, ito ang tinaguriang “Cleanest Wet Market in the Philippines”. Bukod sa kalinisan ng pamilihang ito napapanatili nilang malinis ang kanilang palikuran. Ito ay patunay lamang na responsableng mamayan ang mga tao sa lugar na ito. Marunong silang pangalagaan at panatilihing malinis ang kanilang pamilihan.

Nawa’y ito ang pumukaw sa ibang lugar na gawing ganito ang kanilang mga pamilihan upang hindi dinadalaw ng mga parasitikong hayop kagaya na lang ng ipis at daga. Kaya naman maraming mga netizens ang napa-wow sa sobrang linis ng pamilihang ito. Pwede naman palang magkaroon ng ganitong malinis na wet market pero bakit hindi nagagawa ng ibang lugar sa Pilipinas.

Isang inspirasyon ang kanilang magandang gawain na nakakatulong sa pag-unlad ng kanilang lugar.