Isang netizen ang nagbigay babala sa paggamit ng ‘Hot Water Bag’, na biglang pumuputok na lang sa sobrang init!

639

Naging viral ngayon sa social media ang post ng netizen na kinilalang si Star Villiarta kanyang post, gumamit umano siya ng ‘Hot Water Bag’ ng bigla na lamang ito pumutok dahil sa sobrang init. Na naging dahilang upang mapaso at mamaga ang kanyang braso.

Source: Facebook/ Star Villiarta Valdez

Bagama’t dinisenyo ang ‘Hot Water Bag’ para lagyan ng mainit na tubig, ngunit naging taliwas ito kay Valdez. Marahil kaya ito pumutok ay dahil sa sobrang init ng tubig na kanyang nailagay. Matapos niya kasing ilagay sa kanyang braso ang water bag na ito tsaka ito pumutok at bumuhos ang mainit na tubig na nagdulot para mapaso at mamaga ang kanyang balikat.

Source: Facebook/ Star Villiarta Valdez

Ayon pa kay Valdez, wala naman umano siyang ibang ginawa upang pumutok ng bigla-bigla ang naturang water bag at hindi niya aakalain ang mangyayari sa kanyang balat.

Aniya pa, “Mag ingat sa hot water bag biglang pumutok sa shoulder ko ipinatong ko lang yan nabuka na ang gilid At take note Di po yan nadaganan sadyang nabuka po siguro sa sobrang init or else sa tagal na. I’m in pain.”

Source: Facebook/ Star Villiarta Valdez

Matapos maibahagi ni Valdez ang nangyari sa kanya, marami namang mga netizens ang nagbigay ng kanilang mga komento kung saan sila rin ay nakaranas din ng ganitong pangyayari. Ayon sa iilang mga netizen na nagkomento, baka mali raw ang naging paraan ni Valdez sa paggamit ng water bag dapat daw ay hindi sobrang init ng tubig ang ilalagay rito at huwag muna itong tatakpan dahil may tsansa talaga itong lumubo at pumutok.

Source: Facebook/ Star Villiarta Valdez
Source: Facebook/ Star Villiarta Valdez

Narito naman ang iilan rin sa mga komento ng mga netizens:

“talaga kasi ng yari din yan sa amo ko. subrang takot ko kasi ako ng bigay sa kanya ng hot pad. l buti nlng hindi ako pinagalitan. kasi na isirado ko namang mabuti yon nakita na bumoka yong nasagilid.”

“May nkalagay kasi yan na warning bawal yung boiled talaga na sobrang init ,,warm lang dapat.”

“Ganyan din yung nangyari sa brother ko.. Bagong kulo ung nailagay nya na tubig.. Tama po sobrang init nga kaya pumutok ung bag.. Kaya doble ingat po sa paggamit nito..”

“Mai proper ways naman po kasi sa paggamit niyan, hindi po pinupuno ng mainit na tubig, bago isara make sure walang hangin, binabalot sa ng towel bago ipatung sa kung saang bahagi ng katawan.”

Dalaga, Nagbabala Kung Bakit Di Dapat Matulog Ng Basa Ang Buhok At Magpuyat Sa Celphone

Kapag ang isang tao ay may kundisyon na Bells Palsy ang isang bahagi ng kanilang mukha ay tumatabingi dahil sa panghihina ng mga kalamnan nito. Ang cranial nerve VII na siyang nagsusuporta sa kalamnan ng mukha ay ang madalas tamaan ng kondisyon at pamamaga.

Ang mga taong may Bells Palsy ay maaaring makadama ng pananakit sa taynga, maaaring hindi makadinig, at mawalan ng panglasa sa pagkain, maliban sa pagka-paralysis ng kanilang facial muscles. Ang paggalaw din ng eyelids, pagkisap, at pagkurap ay maaari ding sanhi ng pagkaparalisa ng facial muscles. Mayroon din hindi mapigilan ang pagsara ng bibig at pagngiti. Ngunit hindi pa rin matukoy ang sanhi ng pagkakaroon ng Bells Palsy. Ngunit sinasabi na ito ay dulot ng herpes simplex bayrus, ayon sa paniniwala ng mga neurologist.

Nagkakaroon ng Bells palsy kapag ang cranial nerve VII ay tinamaan. Ngunit, mayroon namang ibang tao ang naniniwala dahil ito ay maaaring sanhi ng sobrang pag-iisip sa gabi, exposure sa lamig, at marami pang iba. Katulad na lamang ng isang netizen na si Pamela Rollo na nagbahagi ng kaniyang naging karanasan sa pagkakaroon ng Bells Palsy. Kwento niya ito ay nagsimula sa pagiging hindi natural na pagluha ng kaniyang mata, pagbaba ng kaniyang potassium at dugo sa katawan.

Pagbabahagi ni Pamela, “Nagsimula sa pagbaba ng dugo at pagbaba ng potassium ng katawan. Hanggang sa hindi na natural na pagluluha ng mata at hindi paggalaw ng kanang bahagi ng labi, hindi pag-pikit ng kanang mata, hindi pag-galaw ng kanang kilay at pagtabingi ng kanang pisngi.” Kwento niya sa kaniyang  Facebook post, ang pagtulog ng basa ang kaniyang buhok ay isa sa mga dahilan kung bakit siya nagkaroon ng ganitong kondisyon. Hinala din ni Pamela na nakadagdag dito ang pagpupuyat, pagkain madalas sa mga fast food chain, nakatutok sa aircon o electric fan habang natutulog, stress, at ang madalas na pag inom ng milk tea.

Dagdag nya, “Kaya kung stress ka, sis paki-usap matulog kana. Tanghalian at hapunan fast food? Sis, umuwi kana sa bahay kana kumain. MILK TEA, yes you read right, naadik ako sa Cream Cheese, oreo, love potion, pearl milk tea at GOLDEN SUN. PUYAT? Tumaas nga rank ko sa mobile legends tumabingi naman yung pisngi ko. Nakakatamad na magpatuyo ng buhok bago matulog, I suggest, WAG KANA MALIGO. Nakatutok sa fan, hays! Paikutin mo nalang, kesa mahipan ng masamang hangin. Tumabingi din tulad sakin. Tandaan, HINDI KA MAYAMAN.” Sa kasalukuyan, si Pamela ay sumasailalim sa therapy at umiinom ng Vitamin B para sa paggaling ng kaniyang kundisyon.

“Now I am currently taking corticosteroid drvgs to reduce inflammation. Going to hospital everyday for physical therapy. Taking vitamin B for maintaining good health and well-being. Eye drops to prevent impeksyon. Praying for my fast recovery.” Ang Facebook post naman ni Pamela Rollo ay nabura na ngayon sa hindi pa natutukoy na dahilan.