Isang Tatay, Humingi Ng Tawad Sa Kaniyang Mga Anak Dahiℓ Kamatis, Tsitsirya, At Itℓog Ang Kaniℓang Uℓam

Isang Tatay, Humingi Ng Tawad Sa Kaniyang Mga Anak Dahil Kamatis, Tsitsirya, At Itlog Ang Kanilang Ulam

353

𝘕𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘷𝘪𝘳𝘢𝘭 𝘴𝘢 𝘴𝘰𝘤𝘪𝘢𝘭 𝘮𝘦𝘥𝘪𝘢 𝘬𝘢𝘮𝘢𝘬𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯 𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘵 𝘶𝘮𝘢𝘯𝘪 𝘯𝘨 𝘪𝘣𝘢’𝘵 𝘪𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘳𝘦𝘢𝘬𝘴𝘺𝘰𝘯 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘯𝘦𝘵𝘪𝘻𝘦𝘯𝘴 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘩𝘪𝘯𝘨𝘪 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘶𝘮𝘢𝘯𝘩𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘮𝘢 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘢𝘯𝘢𝘬 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘢𝘯𝘨 𝘶𝘭𝘢𝘮 𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘢𝘺 𝘬𝘢𝘮𝘢𝘵𝘪𝘴, 𝘵𝘴𝘪𝘵𝘴𝘪𝘳𝘺𝘢, 𝘢𝘵 𝘪𝘭𝘰𝘨 𝘴𝘢𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘵 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘱𝘢 𝘯𝘪𝘺𝘢 𝘯𝘢𝘬𝘶𝘬𝘶𝘩𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘩𝘰𝘥.

𝘈𝘯𝘪 𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘵𝘢𝘺 𝘣𝘢𝘵𝘢𝘺 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘣𝘢𝘣𝘢𝘩𝘢𝘨𝘪 𝘯𝘨 𝘍𝘢𝘤𝘦𝘣𝘰𝘰𝘬 𝘱𝘢𝘨𝘦 𝘯𝘢 𝘛𝘳𝘦𝘯𝘥𝘪𝘯𝘨 𝘝𝘪𝘳𝘢𝘭,

“Mga anak, pag-pasensiyahan n’yo muna ang hinapag ko ngayong Lunes. Hindi sumuweldo ang tatay n’yo, mahina ang pasada.”

Pagko-comfort pa ng ama, isipin na lamang daw ng kaniyang mga anak na ang “itlog ng dinasaur” at ang “salmon fish” ay nabili pa niya sa ibang bansa kasama na din ang “kamatis na galing sa Canada.”

Ayon pa sa ama, wag na lamang daw pansinin ng kaniyang mga anak ang pagtunog ng kanilang mga bituka dahil sa kanilang pagkain.

“‘Wag nyo na lang papansinin mag-kulubot na lang kayo para ‘di gugulo ang bulati n’yo sa stomach hahahhahahaa. senya na sa mga post ku.puro katotohanan yan. STAY SAFE.”

Kaagad naman naging viral sa social media ang nasabing post at ito ay umani na ng mahigit na 2,000 reactions at maraming pagbabahagi online.

Umani din ito ng iba’t ibang reaksyon ula sa mga netizens. Ayon sa ilan, maging positibo lang daw dang ama dahil pasasaan ba at makakaraos din sila.

“Laban lang ‘tay, pasasaan pa at makakaraos din tayong lahat, ‘wag lang bumitaw kay Papa God.”

Komento naman ng ibang netizens na dapat ay magpasalamat pa din sa Panginoon dahil kaunti man o marami ang kanilang pagkain, ito ay biyaya pa din na ibinigay ng Maykapal sa kanila.

“Ipagpapasalamat po sa Diyos ang lahat, kaunti man o marami, blessing po ‘yan lahat lalo na po ang kalusugan. Kami po, lumaki lang din sa bukid na saging at kamote ang kinakain namin noon, pero may awa po ang Diyos. Dasal lang po. ‘Di niya tayo pababayaan.”

Saad naman ng ibang netizen,

“Naranasan nga namin na isang itlog pinaghati-hatian pa namin ng asawa at tatlo naming anak. Pero nagpapasalamat kami at least, may nakain pa rin kami. Minsan wala talaga.”