Ito ang cute na second baby ng mag-asawang Jopay Paguia at Joshua Zamora na si baby Izabella Ariana

132

Masayang sinalubong ni Jopay Paguia at ng kanyang asawa na si Joshua Zamora ang panibagong miyembro ng kanilang pamilya na si baby Izabella Ariana.

Credit: @jopaypaguiazamora Instagram

Sa industriya ng showbiz ay isang sikat na aktres, singer, at dancer si Diofanny Jane o mas kilala ng karamihan bilang si Jopay Paguia. Sa katunayan ay isa siya sa orihinal na miyembro ng sikat na grupong “S3xb0mb” sa Pilipinas.

Bukod sa pagiging isang sikat na personalidad sa showbiz ay isa na ngayong celebrity mommy ng dalawang magagandang babaeng anak si Jopay!

Credit: @jopaypaguiazamora Instagram

Nito lamang Mayo 2 ay isinilang ng dating “S3xb0mb” member na si Jopay ang kanyang ikalawang anak. Masayang sinalubong ng mag-asawa ang bagong miyembro ng kanilang pamilya lalo na’t matagal na silang excited na makilala ito.

Sa Instagram ay inanunsyo ni Joshua ang masayang balita sa kanilang mga fans. Makikita sa mga larawang ibinahagi ng aktor kung gaano sila kasaya nang sa wakas ay nasilayan na nila ang ikalawa nilang anak.

Credit: @jopaypaguiazamora Instagram

“There are no words that can describe the euphoria you feel when your baby recognizes you for the first time and smiles,” pahayag ni Joshua sa kanyang caption.

Ayon pa kay Joshua, sobrang excited rin umano ng kanyang dalawang lalaking anak na sina Job at Javen Zamora, at ang panganay na anak niya kay Jopay na si Alessa na makita at makilala na si Izabella Ariana.

Credit: @jopaypaguiazamora Instagram

“Kuya @job_zamora Kuya @lostboy.asta and Ate Alessa can’t wait to see their lil sister , Baby Izabella Ariana P Zamora,” sabi ni Joshua.

Dagdag pa ni Joshua, “Thank you Babas , grabe Lang the pain you went through @jopaypaguiazamora praying for your fast recovery. I love you so much and Salamat po sa lahat Ng well wishers nakaka teary eyed . Mwuah mwuah Hugs.”

Credit: @jopaypaguiazamora Instagram

Samantala, inanunsyo rin ni Jopay sa Instagramn na matagumpay niyang isinilang ang isang healthy na baby girl. Sa larawang ibinahagi niya ay makikita ang magkatabing throwback picture ng kanyang panganay na anak na si Alessa at ang picture ni baby Izabella Ariana.

“Good morning to our two precious princesses  You came to fulfill my life and you did it in the most perfect way. I am proud to be the mother of such a beautiful daughters. Mommy and Daddy is always here with you. And we love you so much ,” pahayag ni Jopay.

Credit: @jopaypaguiazamora Instagram

Pebrero ngayong taon ay matatandaang inanunsyo ng mag-asawa sa Youtube na ipinagbubuntis ni Jopay ang ikalawa nilang anak na si baby Izabella Ariana.

TINGNAN: Ang napaka-cute at nakakagiliw na reaksyon ng mukha ni Baby Vittorio Isaac, anak nina Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa-Sotto

Marami sa ating mga Pilipino ang talagang nagigiliw sa mga bata lalo pa’t ang mga nakakaaliw na mga reaksyon ng mukha ng isang bata ay nakakapawi ng pagod. Katulad na lamang ni Baby Vittorio Isaac ang baby no.5 ni Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa-Sotto.

Kamakailan nga lamang ay isinilang na ng aktres na si Kristine Hermosa-Sotto ang kanilang bunsong anak ni Oyo Boy Sotto na si Baby Vittorio Isaac.

Sa mga larawang ibinahagi ng aktres sa kanyang social media nang siya ay nanganak tila “looking-young” at “blooming” pa rin ang aktres. Umani ng mga positibong komento at papuri mula sa mga netizens ang larawan na ito ng aktres, dahil hindi naman lahat ng mga babaeng nanganganak ay kasing ganda at kasing “fresh” pa rin tulad niya.

Sina Oyo Boy at Kristine ay mayroon 4 na mga anak ito ay sina Kristian Daniel, Ondrea Bliss, Marvic Valentin, at Kaleb Hanns. Hinahangaan at nagiging inpirasyon sila ng kanilang mga tagahanga dahil dalawa silang nagtulong-tulong sa pagpapalaki ng kanilang mga anak at higit sa lahat masaya at maayos ang kanilang pagsasama.

Nang ipinanganak ni Kristine ang kanilang ikalimang anak makikita sa mga larawan na ibinahagi ng mag-asawa kung gaano ka-cute ang kanilang bagong baby. At muling nagbahagi si Oyo Boy ng ilang mga larawan ni Baby Vittorio Isaac kung saan makikita ang iba’t ibang mga reaksyon ng mukha nito.

a unang larawan ay makikitang napakasarap at napakapayapa ng tulog ng kanilang anak, kung saan ang pagtulog nito ay tila bang walang makakaistorbo. Ngunit, sa mga sumunod na larawan ay kitang-kita naman ang sobrang pag-iyak nito. Kung gaano siya kapayapa natutulog siya namang ikinalakas ng kanyang pag-iyak.

Kaya naman ang mag-asawang Oyo Boy at Kristine ay naaliw sa naging reaksyon ng mukha ng kanilang anak. Mabuti na lamang at sanay na silang dalawa mag-alaga ng baby dahil sa ikalima na nila itong anak.

Samantala, parang gusto pa ng aktres ang magkaroon ng baby no. 6 kung ito naman ay loloobin ng Diyos dahi gusto din kasi ng kanyang anak na babae na si Ondrea na magkaroon ng babaeng kapatid. Sa kabila ng pandemya ngayon, proud at masaya pa rin silang ibahagi kung gaano na kalaki ang kanilang pamilya.