“Iyak ako ng iyak”- Ai-Ai delas Alas, Ibinuking na Pinagtiisan Niyang Maging Kabit sa Loob ng Pitong Taon

571

Isa si Ai Ai delas Alas sa mga pinakasikat na komedyante ngayon sa showbiz industry. Ngunit alam niyo ba na hindi lang sa career swerte si Ai Ai? Bukod sa kanyang namamayagpag na career, talagang pinagpala rin si Ai Ai sa kanyang personal na buhay. Nitong Abril lang, nagdiwang si Ai Ai at ang kanyang asawa na si Gerald Sibayan ng kanilang ika-pitong anniversary.

Ngunit bago pa man niya makilala ang kanyang one true love, aminado ang komedyante na marami rin siyang pinagdaanan sa kanyang love life noon. Sa katunayan, naranasan na niyang maging ‘other woman’ o kabit matapos siyang makipagrelasyon sa isang lalaki na mayroon ng asawa.

Sa kanyang dating interview, inamin ni Ai Ai na hindi naging madali ang kanyang karanasan noong kay Miguel Vera, na tatay rin ng dalawa niyang anak.

“Naranasan ko rin, mahirap, iyak ka ng iyak, mahirap! Siyempre kung ano lang ang time para sayo. Kasi siyempre doon siya kay Cristine, alangan naman. Hindi lang naman ako ang nakaranas na maging Cavite City. Alam ko na, pero at the end, gino ko pa rin, so mali pa rin ako,” paglilinaw niya.

Bukod pa dito, aminado rin ang komedyante na hindi siya naging masaya sa kanilang relasyon sa loob ng pitong taon. Mahirap ang kanilang sitwasyon, lalo pa’t mayroong dalawang anak si Ai Ai at Miguel. Gayunpaman, nakahanap si Ai Ai ng lakas ng loob para talikuran ang ganitong set up.

“Parang ang bigat bigat ng buhay mo, tapos parati kang malungkot, ganun. Hindi ka maging masaya. Masama ang maging Cavite girl, try niyo na lang wag maging ganun. Kung pwede na iwasan, iwasan na lang kasi siyempre, sabi ko nga, bawat pagpatak ng luha noong legal na asawa, pagbabayaran mo.”

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

AiAi Delas Alas, Emosyonal Na Inamin Na Minsan Sya Naging Kabit Ng Pitong Taon

Kamakailan lamang ay inamin ng comedianne-actress na si AiAi delas Alas na siya ay naging isang kabit sa kaniyang naging karelasyon noon na pitong taon din nagtagal.

Sa kaniya namang naging panayam sa mga entertainment reporters, sinabi niya na kahit kailan ay hindi magiging tama at sobrang bigat sa pakiramdam ang pagiging isang kabit.

Aniya, “Parang ang bigat-bigat ng buhay mo tapos parati kang malungkot.”

Inamin din ng 54-year-old comedian na siya ay nagkaroon ng dalawang anak sa naturang lalaki.

Nang siya naman ay tinanong kung ano ang kaniyang mga natutunan sa pagiging kabit, sinagot niya ito sobrang mali na maging isang kabit at ito ay ang isang bagay na hindi dapat gawin dahil madami ang masasaktan at maapektuhan.

Sa dulo naman ng kaniyang pahayag, nagbigay si AiAi ng payo para sa mga taong kasalukuyang nasa ganoong sitwasyon.

Aniya na wag na nilang subukan maging isang kabit at kung maaari nilang maiwasan ay iwasan nila ito dahil para sa kaniya lahat ng mga sakit at hinanakit na hatid nito sa legal na asawa ay ganun din karami ang pagbabayaran mo.

“In general, siguro doon sa mga ano try niyo na lang na wag maging ganon.”

Dagdag niya, “Try niyo na lang na wag. Kung hangga’t maari kung pwedeng iwasan, iwasan na lang. Kasi sabi nga nila bawat pagpatak ng luha nung legal na asawa, ‘yon ‘yong pagbabayaran mo. So ako tingin ko marami akong pinagbayaran.”

Sa kaniyang naging panayam noong nagdaang buwan ng Abril, kinumpirma niya na susubukan niya at ni Gerald na magkaroon ng anak sa tanong 2020.