Janus Del Prado, may patutsada tungkol sa post si Alodia Gosiengfiao matapos ianunsyo ang hiwalayan nila ni Wil Dasovich!

101

Tila patutsada umano sa kakahiwalay lang na influencer couple na sina Alodia Gosiengfiao at Wil Dasovich. Ang post ng aktor na si Janus Del Prado.

Sa Instagram post ni Janus, tila pinuna niya ang nasabing hiwalyan. Kung saan may nag-announce daw in public tungkol sa break-up pero nanghingi ng privacy matapos itong ilantad.

“Yung inannounce mo sa publiko na hiwalay na kayo sabay hingi ng privacy,” post ni Janus.

Sa kanyang caption naman ay ginamit ng aktor ang hashtag na  #contentisking

 

Agad namang hinuha ng mga netizens na sina Alodia at Wil nga ang pinapatamaan ni Janus sa kanyang post.

Dahil saktong sakto ang pahayag na ito ni Janus sa post kamakailan ng vlogger at gamer/cosplayer na si Alodia.

Ayon kasi sa post ni Alodia tungkol sa hiwalayan nila ni Wil, “To those asking, wala na kame. It’s been a while. We tried to work things out many times but some things are not meant to be. I hope you respect our privacy during this time in our lives.”

Malinaw na wala namang binigay na pangalan si Janus ngunit marami ang naniniwala na ito ang reaksyon ng aktor sa hiwalayan kamakailan ng vlogger couple.

Ayon pa sa ilang netizens, ang terminong ginamit ni Janus na “#contentisking” ay patungkol umano sa mga taong nais na gawing content sa social media maging ang kanilang personal na buhay.

Dinepensahan naman ng isang netizen si Alodia, kung saan sinabi nito na pwedeng pinapatungkulan ng dalaga na gawing private ay ang tungkol sa dahilan ng kanilang break-up ni Wil.