Janus del Prado, pinuri si Paolo Contis sa ginawa nitong pag-ako sa kanyang mga naging pagkakamali

111

Saludo si Janus Del Prado sa ginawang pag-amin ni Paolo Contis sa kanyang mga kamalian na nagawa.

Sa kanyang Instagram post ay ipinahayag ni Janus ang kanyang paghanga sa kaibigang si Paolo.

Ayon kay Janus, kahanga-hanga ang pag-ako ni Paolo sa kanyang pagkakamali. Na hinayaan nito na atkihin siya ng mga netizens.

Samantala, ipinagdiinan naman ni Janus sa kanyang post na huwag lang daw tingnan ng mga “sawsawero”

Ang mga kamaliang nagawa ng isang tao, sana’y makita rin ng mga ito ang tamang ginawa nito.

Aniya: “Wag lang yung mali ang tingnan nating mga sawsawero. I-recognize din natin yung ginawang tama. ”

Tinag pa ni Janus si Paolo. Ginamit din niya ang sikat na “as a friend” meme. Ito ay galing sa statement ni Paolo noong September 8.

Sa pagtatapos ng kanyang post sinabi din ni Janus na hindi sila ganun ka-close ni Paolo.

“Ps: Paolo and I are not close. Last time I worked with him, saw him or even talked to him was way back 2003 pa. Jsyk.”

Nagkasama ang dalawa sa dating youth-oriented show ng ABS-CBN na Ang TV.

 

Ang papuring ito ni Janus kay Paolo ay malayung-malayo sa pagbatikos niya sa kapwa ring aktor na si Gerald Anderson.

Ilang buwan nang laman ng “blind item” ni Janus si Gerald na nag-ugat sa hindi magandang breakup ni Gerald at ng matalik na kaibigan ni Janus na si Bea Alonzo.

Janus Del Prado, walang pagdadalawang isip na ibinunyag na binayaran ni Angel Locsin ang kanyang hospital bill na nagkakahalaga ng P150k

Real life Angel talaga ang aktres na si Angel Locsin.

Kilala ang Kapamilya star sa pagiging generous nito at isa na naman ang nag patunay ng kanyang totoong ugali.

Sa naging online interview ni Ogie Diaz kay Janus Del Prado sa YouTube channel ng talent manager, natanong ni Ogie kung paano maging kaibigan si Angel.

“Si Angel Locsin, paano makipag kaibigan ang isang Angel Locsin?” tanong ni Ogie kay Janus.

Agad naman sagot ng aktor, “Baka maiyak naman ako diba. Grabe yun, grabe yun si Gel. Alam mo, bagay na bagay sakanya yung pangalan niya. Sumakto duon yung mga magulang niya na pinangalanan siya nuon…”

Sa puntong ito, ibinahagi ni Janus kung paano siya tinulungan ni Angel noon nang magkasakit at maconfine sa ospital.

“Nuong nagka-tigdas ako nuong 2014, kakatapos na katatapos pa naman ng New Year, gulat ako kung paano niya nalaman. Pero tumawag kaagad siya, ‘Asang ospital ka? Pupuntahan kita.” pagbabahagi ni Janus.

Hindi man siya nabisita ni Angel noon dahil hindi pwede, ang aktres naman daw ang nagbayad ng buong hospital bill niya.

“Tapos ano, buong bill ko binayaran niya. Nasa mahigit… sorry ha, alam ko, ayaw nitong mga ito na nire-reveal nila yung mga tulong nila kasi very ano tong mga ito eh.

Pero, nasa mahigit 150k kasi tumagal din ako duon sa ospital ng ano, almost two weeks….”

Katulad ng inaasahan, hindi din ito ipinabulgar ni Angel noon. Tunay nga na anghel sa totoong buhay ang aktres!