Joel Cruz gumastos ng mahigit P52-M para sa 8 anak na nabuo sa pamamagitan ng surrogacy

291

Malaking halaga ang ginastos ni Joel Cruz para lamang magkaroon siya ng anak.

Kilala si Joel Cruz bilang isang successful entrepreneur dito sa Pilipinas. Pero noong 2012 ay mas naging matunog ang pangalan niya ng proud niyang ipakilala ang kaniyang mga twins na sina Prince Harry and Princess Synne.

Ang kambal ay anak ni Joel Cruz na produkto umano ng surrogacy na kaniyang ginawa sa Russia. Si Prince at Princess ngayon ay nagkaroon pa ng mga kapatid. Sa kabuuan sila ay walo na. Tatlong set ng kambal at dalawang boys na solo o nag-iisa ng ipinanganak.

Kuwento ni Joel Cruz, pangarap niya ang magkaanak kaya naman ginawa niya ang lahat upang ito ay matupad.

Sa panayam niya kamakailan kay Ogie Diaz, ibinahagi ni Joel Cruz ang kanyang pinagdaan bago magkaanak.

Aniya na-inspire siya kay Ogie dahil marami itong anak.

Pero unlike Ogie, hindi niya raw kaya na sumi’ping sa isang babae, ayaw din daw niya mag-ampon.

Kaya naman naisipan niya ang in vitro fertilization o surrogacy.

Una daw niya itong sinubukan dito sa Pilipinas, ngunit malaki na daw ang nagastos niya pero hindi naging successful.

Kaya naman naisipan niyang gawin ang procedure sa ibang bansa, at ito nga ay legal sa Russia.

Sa pamamagitan lamang ng litrato pinili ni Joel ang magiging ina ng kanyang mga anak.

Inilarawan pa nga nya na kamukha ito ni Julia Roberts, matangkad din daw ito.

Samantala sa kanilang paguusap ay naitanong ni Ogie kung magkano ang nagastos niya para lamang magkaroon ng anak.

Sa unang kambal ay 12 million daw ang kanyang ginastos, tag 11million naman sa pangalawa at pangatlong kambal niya.

Sa dalawang solo naman ay tag 9million each naman.

All in all ay 52 Million pesos ang nagastos niya para magkaroon ng 8 anak.

Joel Cruz hindi spoiled ang mga anak, tinuturuan din ng mga gawaing bahay

Kahit marangya ang buhay, Joel Cruz nais pa ring matuto ng gawaing bahay ang kanyang mga anak.

Si Joel Cruz ay kilala bilang isang perfume mogul.

Tinaguriang “Lord of scents” sa industriya, siya ang may-ari ng sikat na pabangong Aficionado.

Hindi maikakaila na isa na siya sa mga successful na negosyante hindi lang sa Pinas kundi pati na din sa karatig bansa.

Kaya naman kabilang din siya sa isa sa pinkamayamang tao sa Pilipinas.

Bukod sa pagiging matagumpay na negosyante, isang butihing ama din si Joel Cruz.

Siya ngayon ay may walong anak, from IVF, at iisa lang din ang nanay ng mga ito.

Ang kanyang mga anak ay sina Prince Sean, Princess Synne, Harry, Harvey, Prince Charles, Princess Charlotte, Zeid at Ziv.

Ang kanyang mga chikiting ay ipinanganak lahat sa bansang Russia.

Lilia ang pangalan ng kanilang ina, isang blonde Russian na may hawig umano kay Julia Roberts.

Samantala, kamakailan lang ay nakapanayam si Joel Cruz ng beteranang kolumnistang si Aster Amoyo.

Dito ay pinagusapan nila kung paano palakihin ni Joel ang kanyang walong anak.

Kwento ng negosyante ay kahit marami silang kasambahay, hindi niya hinahayaang walang matutunan ang mga anak sa mga gawaing bahay.

Tumutulong umano ang mga ito at hinahayaang gawin ang ilang bagay kagaya ng paliligo at pagligpit ng kanilang pinaghigaan.

Kahit angat sa buhay ay hindi umano binibilhan ni Joel ang kanyang mga anak ng gadgets.

Hineheram lang daw ng mga ito ang kanyang cellphone at naghihiraman lamang ang mga ito.

Nililimitahan din niya ang oras sa paggamit ng gadget.

Marami naman ang humanga sa pamamaraang ito ni Joel.

Anila, kahit daw napakarangyang tao na nito ay pagiging simple pa din ang itinuturo niya para sa kanyang mga anak.