Julia Montes, paunti-onti ng sinasapubliko ang relasyon nila ni Coco Martin matapos magbahagi ng larawan na magkasama.

113

Mukhang unti-unti ng inaamin sa publiko ni Julia Montes ang tunay na relasyon nila ng rumored boyfriendna si Coco Martin.

Naging trending nga sa social media ang latest Instagram post ng Kapamilya actress. Kung saan makikita na magkasama sila ni Coco sa isang lugar.

Bagamat parehong solo picture ang ibinahagi ni Julia ay kapansin pansin naman na pareho ang location nila ng aktor.

Saad ni Julia sa kanyang caption, “Today is a great day to smile and be happy”

 

Sa tinagal-tagal nga kasi nang pambibitin ng dalawa sa katotohanan sa kanilang estado sa isa’t isa, na puro mga pahapyaw lang ang pinapakita nila, tulad ng birthday greeting post ni Julia kay Coco, at mga pagtulong niya sa promo ng mga proyekto ni Coco sa social media, ngayon nga ay makikita sa Instagram ni Julia na tila kinukumpirma na niya o inaamin na ni Julia ang pagmamahalan nila ni Coco.

Ayon naman sa mga netizens, nakatulong talaga ang paglabas ni Julia sa “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco, para unti-unting iparamdam ng aktres sa mga netizen ang estado nila ng aktor bilang magkarelasyon.

Samantala, bukod sa solid fans nina Julia at Coco, kinilig din ang maraming artista sa post ni Julia.

Kabilang na rito sina Miles Ocampo, Joseph Marco, Maxene Magalona, Isabelle Oli, Dawn Zulueta, at Kris Bernal.

Sa ngayon ang tanong ng marami, hudyat na kaya ito ng nalalapit na pag-amin ng dalawa tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon?