K Brosas, humagulgol sa iyak matapos ibahagi ang sakit na nararamdaman ng maloko ng kanyang contractor sa pinapagawang bagay

379

Hindi napigilan ng singer comedian na si K Brosas ang mapaluha dahil sa sinapit sa pinapagawang bahay.

Sa kanyang Instagram post noong September 10, ikinuwento ni K ang naging plano n’ya noon na magpatayo ng bahay dahil magastos daw ang magrenta ng townhouse o condo.

 

Talagang sinikap daw niya na matupad ang pangarap na ito sa loob ng maraming taon ng kanyang pag-aartista.

Taong 2018 pa raw sinimulan ang construction ng aniya’y simpleng property sa Quezon City.
Walang swimming pool or any other luxurious amenities maliban sa walk-in closet at banyo na may spa.

Para lang daw talaga ‘yon sa kanilang mag-ina.

Na-fully paid na daw n’ya ang pagpapatayo nito pero sa kasamaang-palad, matapos nang mahabang panahon, ay wala pala siyang bahay na malilipatan.

Dahil naloko siya ng contractor na kausap niya. Ang masaklap pa raw, kaibigan niya ang mga contractor na pinagkatiwalaan niya.

Nang mabayaran ang nasabing contractor, inabandona na umano nito ang ginagawang bahay ng komedyante.

“Nakakalungkot lang na kahit malaking pera na ang nabigay ko at kung tutuusin tapos ko na ang pagbabayad sa buong halaga, mahigit kumulang 7 milyon.. inabandona pa ng pinagkatiwalaan ko ang nasabing bahay,” pahayag ni K.

“Maiintidihan nyo naman siguro ako na pinaghirapan ko yung pera na galing sa dugo, pawis at kakulangan ng tulog. Wala e, kelangan nating mangarap.”

Paglalahad pa nito, makailang ulit siyang nakiusap at umiyak ngunit wala aniyang nangyari. Ito rin ang dahilan kung bakit ilang beses din siyang inatake ng anxiety dahil sa stress.

Sa ngayon, 35% lang ang natapos at nakatiwangwang ang bahay, kaya napilitan nang magdemanda ni K.

Pero ayaw muna niyang banggitin kung anong partikular na kaso ang isinampa niya sa payo na rin daw ng kanyang abogado.

Singer na si Kyla, malungkot na ibinahagi na nakunan muli siya sa pangatlong pagkakataon

Isang napakalungkot na balita ang ibinahagi ni Kyla nitong Biyernes, July 16.

Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi ni Kyla na sa ikatlong pagkakataon ay nakunan siyang muli.

Aniya, nadurog nanamang muli ang kanyang puso ng dahil sa napakalungkot na balitang ito.

“My heart is br0ken in levels deeper than you may ever have imagined,” panimula ni Kyla.

Dagdag pa niya, “Our little angel, please watch over me, your Daddy, and Kuya Toby. Send our hugs and kisses to your 2 siblings in heaven. We love you, our Millie.”

Kalakip nito ay ang black and white na litrato na makikita ang kanyang baby bump at kasama ang kanyang unico hijo.

Dumagsa naman ang pakikiramay at pagmamahal mula sa kanyang pamilya, mga kaibigan, at mga taga-suporta.

“Sending virtual hugs and prayers to you @kylaalvarez,” komento ni Amy Perez.

Tatlong broken heart emojis naman at “Kap!” ang saad ni Erik Santos.

“Hugs, at Love u Kyla. Sending all my love,” naman ang komento ng mag-inang Zsa Zsa Padilla at Karylle.

“Sorry to hear that Ky. Praying for you and your family,” mensahe naman ni Mark Bautista.

“Sending you love, prayers and the warmest hugs,” komento naman ito ni Denise Laurel.

Marami pang celebrities ang nakidalamhati din sa pamilya ni Kyla tulad nina Pauleen Luna, John Prats, K Brosas at marami pang iba.

Nakaraang taon lamang ay dalawang beses din nakunan si Kyla, at ibinahagi din niya ito sa kanyang Instagram post.

Kung hindi sana nangyari ito ay mayroon na sanag apat na anak sina Kyla at asawang si Rich Alvarez.