Kaibigan ni Nyca, inilabas ang mga screenshot ng totoong ρagsisinungaling ni Jayzam sa publiko matapos ma-Raffy Tulfo!

17

Ilang linggo na ang nakalipas matapos umere ang mga issue na nakasangkutan ng couple vlogger na JaMill.

Sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad ang naging laman ng social media noong nakaraang linggo.

Matapos ang ilang araw na pag ingay sa social media, panandaliang nanahimik ang bawat kampo.

Lumabas kasi ang mga third parties ni Jayzam at umabot pa ito sa Raffy Tulfo In Action.

Isa sa mga naging third party ng male vlogger ay si Nyca Mae Bernardo na nag-aaral sa Bulacan State University.

Matapos ang ilang araw, tumakbo pala bilang President ng kanilang campus si Nyca. Ngunit siya ay natalo ng competing party.

Sa Twitter thread, nag post naman ng cryptic message si Camille na sinasabing “karm4” ang nangyari.

Ang mga fans at supporters naman ng JaMill ay todo suporta kay Camille at may nag comment pa na kinakunchaba umano niya ang mga kaibigan niya sa BulSu.

Sa kabilang banda, kaibigan naman ni Nyca na si Leo Ocampo ang nagtanggol sa dalaga sa Facebook.

Ipinost niya ang ang nga screenshots sa Twitter kasama na din ang kanilang usapan. Inilabas niya din ang mga conversations ni Nyca at ni Jayzam.

Pati na rin ang screenshots ni Nyca ang isa pang naging third party ni Jayzam na si Dambie Tensuan. Si Dambie ang kasama niya sa RTIA.

Wala daw sana balak si Nyca na magpa Tulfo kaya lang ay naudyukan ni Dambie.

Sa pag-uusap naman nila ni Jayzam, makikita na ang male vlogger ang may kagustuhan sa dalaga.

Narito ang mga screenshots:

Read also:

Toni Fowler, hindi na napigilan ang sarili at ipapa-tulfo na ang kanyang ex-boyfriend na si Rob Moya dahil sa mga ginawa nito sa kanya.

Matapos ang ilang linggong pananahimik napagdesisyunan na ni Toni Fowler na humingi ng tulong kay Raffy Tulfo.

Kamakailan, ang dating mag live-in partners na sina Toni Fowler at Rob Moya ay viral sa social media.

Partikular na sa Twitter at Facebook.

Dahil isa sila sa mga sikat na influencers sa Pinas at may libo-libong followers ang patutsadahan ng dalawa ay mabilis na pinagpyestahan ng netizens.

Dinaan ng dalawa sa twitter posts ang kanilang palitan ng salita na bugso na kanilang emosyon.

Samantala, kamakailan lang may naibalita na si Rob ay may bago ng ka-relasyon.

At si Toni naman ay umamin na meron siyang pagtingin sa isa nilang kasamahan

At heto daw ang rason ng hindi pagkakaunawaan ng dalawa.

Samantala, ilang linggo din nanahimik si Toni ukol sa isyu nila ni Rob.

Ayaw na daw diumano niya patulan si Rob upang hindi na din maapektuhan ang kaniyang anak na si Tyronia.

Ngunit nitong araw lang ay bigla na namang bumulusok ang galit na nararamdaman ni Toni.

Ito ay makatapos gambalain di umano siya ni Rob habang siya ay nananahimik na.

Sa kaniyang post sa Facebook ay tila humingi na ng tulonf si Toni sa programa ni Raffy Tulfo.

Kalakip din ng ilang post ni Toni na

nais niyang kunin muli ang mga sasakyan na binili niya kay Rob.

Kasama din sa kaniyang mga post ang ilang ebidensya na si Rob ay nambabae na habang hindi pa opisyal ang kanilang hiwalayan.

Sinabi din nito na hindi na daw niya kukunin ang pera na ginastos ni Rob dahil alam niyang wala naman daw pera ang binata.

Sa ngayon maraming netizens ang nag-aabang sa muling paghaharap ng dalawa.

At ito ay magaganap na sa programang Raffy Tulfo In Action.