Kapatid ni Ivana na si Hash Alawi, mamahagi ng mga cellphone at tablet dahil sa pagse-celebrate ng 1-Million subscriber

142

Hash Alawi may 1M subscribers na!

Hashim Alawi o kilala bilang Hash Alawi ay isa sa mga kapatid ni Ivana Alawi.

Palagi rin siyang kasama nina Ivana at Mona sa kanilang mga YouTube Channel.

Ipinanganak si Hash Alawi noong January 2, 1994, lumaki sa Pilipinas at nag aral sa mga pampublikong paaralan.

Ang kanilang ama ay isang Moroccan na matagal naring naninirahan sa Pilipinas, at ang kanilang Ina ay isang Filipina na si Farima Marbella na palagi rin lumalabas sa YouTube Channel nila Ivana.

Hinikayat narin ni Ivana si Hash na gumawa ng sariling channel, kaya sa kauna-unahang upload sa Hash Alawi YouTube Channel ay agad naman itong dinumog ng mga taga suporta ng kanilang pamilya.

Malalambing at mapagmahal ang magkakapatid sa isa’t isa, at ipinapakita nila kung paano sila nagiging totoo sa harap ng kamera.

Kung kaya’t hindi mapigilan ang pag usbong ng kanilang mga taga suporta.

Ilang buwan pa nga lamang ang nakalilipas ng gumawa ng sarili niyang YouTube channel si Hash.

Ngnit sa maikling panahon na yun ay mayroon na agad siyang one million subscribers.

At ito nga ang masayang ibinahagi ni Hash sa kanyang latest vlog.

Sa simula ng kanyang video ay pumasok si Ivana at si mama Alawi na may dalang cake.

Habang kinakantahan nila ng happy one million si Hash.

Bago naman mag blow the candle si Hash ay nagwish muna siya.

Nang tanungin ni Ivana kung ano ito saad ni Hash, “I just hope I can make more people happy.”

Isa isa ding nagbigay ng wish nila sila Ivana, Mona at Mama Alawi para kay Hash.

 

At para naman magpasalamat sa kanyang mga supporters, namigay si Hash ng cell phone at tablet.

20 winners ang pipiliin ni Hash na pagbibigyan niya ng mga gadgets.

Ivana Alawi, namahagi ng sandamakmak na biyaya matapos makaabot ng 13-Million Subscribers sa Youtube

Umaapaw na biyaya na naman ang ipinamahagi ni Ivana Alawi.

Nakilala si Ivana sa kanyang pagiging matulungin sa kapwa.

Di kaila sa publiko ang mga kawang gawa niya, namamahagi siya ng tulong tuwing may biyaya siyang natatanggap.

Isa na nga si Ivana ngayon sa pinaka sikat na influencer sa bansa.

Sa loob lamang ng halos dalawang taon ay mayroon na siyang 13 million subscribers sa kanyang YouTube channel.

Kaya naman upang ipagdiwang ang new milestone ng kanyang career, namahagi na naman ng blessings si Ivana.

Naisipan ng dalaga na mamigay sa 1,300 na katao ng eco bag.

Na naglalaman ng mga paborito niyang pagkain.

Ang bigas na kalakip sa eco bag ay ang mismong klase ng bigas na binibili din nila para sa kanilang bahay.

Nagluto din ang aktres ng adobo katulong ang kanyang ina na tinawag niyang “Adobo ala Ivana”

Hands-on naman ang kanilang buong pamilya kabilang na si Mama Alawi at Hashim sa pagrerepack ng mga goods.

Samantala, si Mona ay wala muli sa video dahil pinagpapahinga muna nila.

Dalawang araw ang inabot ng kanilang pagpeprepara sa kanilang ipapamigay.

650 packs nung day 1 at 650 packs din ng day 2.

Puro paborito ni Ivana at masasarap na pagkain ang nilalaman ng bawat food pack.

At syempre bilang dagdag pasasalamat sa mga biyayang natatanggap.

Nilagyan din ni Ivana ng tig isang libong piso ang bawat eco bag.

Ito ang naisip ni Ivana na pasasalamat sa kanyang mga fans and followers at pati na din sa kanyang mga supporters at subscribers.

Tuwing may magandang nangyayari kay Ivana ay hindi niya nakakalimutan na mag give back sa kapwa.

Bawat okasyon ay pinaglalaanan niya ng kawang gawa.

Kaya naman patuloy siya binibiyayaan ng Maykapal dahil mapagbigay siya sa kanyang mga kababayan.

Panoorin dito ang kanyang video: