Kiray Celis, nagluluksa muli dahil sa pagpanaw ng isa sa mga pinakamalapit na mahal sa buhay

130

Hindi pa man nakakamove-on si Kiray sa pagkawala ng kaibigang si Mahal ay isang malapit sa puso niya ang muling namaalam.

Sa online post ng aktres nitong Huwebes, September 8, 2021, inilahad niya ang labis na kalungkutan sa masamang balitang kaniyang natanggap.

Ito ay ang pamamaalam ng madreng nagpa-aral sa kanya na nakilalang si Sister Marina.

Sa kanyang post ay nagbahagi ang Kapuso actress ng mga throwback pictre niya kasama si Sister Marina.

Sa kanyang caption saad ni Kiray, “Iniwan na naman ako ng taong isa sa mga pinakamamahal ko… Sister Marina ko.. ba’t mo ‘ko iniwan? Sabi ko sa ‘yo ‘di ba bibilhan pa [kita] ng truck. Promise ko ‘yun sa ‘yo di ba? Ang bigat naman ng 2021”

Ibinahagi ni Kiray na isa si Sister Marina sa mga tumulong na magpaaral sa kanya noong hindi na siya kayang pag-aralin ng kanyang mga magulang sa private school.

“Sa mga hindi po nakakaalam, isa po si Sister Marina sa mga nagpaaral sa ‘kin sa St. Paul… Hindi po ako kayang pag-aralin ng mga magulang ko sa private school nun. Pero tinulungan niyo ako ni Sister Theresia”

Sa huling bahagi ng post, nagpasalamat si Kiray sa lahat ng tulong at magagandang ala-alang iniwan sa kaniya ng yumaong si Sister Marina.

“At ngayon… magkasama na kayo sa heaven. Alam ko happy na kayo kasi kasama niyo na ‘yung one and only love niyong si Papa Jesus. Mahal na mahal ko kayo Sister. Habang tina-type ko ‘to, iyak pa rin ako nang iyak. Miss na miss ko na mga yakap at halik mo. Durog na durog ako. Wala akong masabi kundi maraming salamat at mahal na mahal kita… Mahal na mahal Sister Marina”

Kiray Celis, saksi kung gaano inalagaan at binantayan ni Mygz Molino si Mahal

Muling inalala ng Kapuso comedian na si Kiray Celis ang namayapang kaibigan na si Mahal o Noeme Tesorero sa totoong buhay.

Sa kanyang Instagram post ay ipinahayag ni Kiray ang pangungulila niya kay Mahal.

Kinakamusta niya ito at kung masaya na daw ba ang komedyana ngayong kapiling na rin nito ang kanyang ama.

Saad ni Kiray, “Hello ate noeme ko! Happy kapo diyan kasama ng papa mo?! Sana di kana po nahihirapan diyan ate mahal ko.”

Sinabi din ni Kiray na dapat ay kamustahin din ang pamilyang naiwan ni Mahal at pati na din si Mygz Molino.

“At wag rin po natin kalimutan na kamustahin ang family ni ate saka si kuya mygz.”

Ikinwento din ni Kiray kung paano niya nasaksihan ang pag-aalaga at pagmamahal ni Mygz kay Mahal. At saludo daw siya sa ginawang ito ni Mygz.

“Saksi kaming Owe my love family ni ate mahal. Kung gaano niya po mahalin, alagaan, bantayan si ate mahal.”

“Sobrang saludo kami kay kuya mygz. Pagpray po natin si ate, family niya saka po sila kuya mygz. Salamat po.”

Nagbigay din ng maikling trivia si Kiray. Tungkol sa ginampanan nitong role noon.

“Btw, short trivia po. Naalala ko, sabi ko kay ate mahal nun. Picture kami tapos yung caption ko, “KASAMA KO SI KOKEY!!” Hehe! Alam niyo ba na siya yung gumanap na unang kokey? Yung movie ni carlo aquino! Cool no?!”

Sa huli ay muling nalungkot si Kiray at sinabi niya kung gaano niya kamahal ang kanyang Ate Noeme.

“Hayyyy ate noeme.. sarap balik balikan ng mga masasayang panahon na nakasama ka namin. Mahal na mahal ka namin ate!”

Narito ang kabuuan ng post ni Kiray: