Kylie Padilla, hinamon ang ex-husband na si Aljur Abrenica sa korte: “Let’s do it in court”

188

Matapos ang kontrabersyal na hiwalayan ng aktres na si Kylie Padilla at ng kanyang ex-husband na si Aljur Abrenica. Maraming bagay umanong natutunan ang aktres sa nangyari sa kanila ni Aljur.

Kamakailan lamang sa naging panayam sa kanya ni Jessica Soho noong October 17, sinagot lahat ni Kylie ang mga maiinit na akusasyon sa kanya ni Aljur sa naging post nito sa kanyang facebook account na may caption na “breaking silence”

Source:Facebook/Kapuso Mo Jessica Soho

Pahayag ng aktres, “I know my truth. I know what I went through. And I know what he went through. Ang alam ko lang, parehas kaming hindi masaya.”

Iginiit din niyang kailanman ay hindi siya nagloko sa naging pagsasama nil ani Aljur. “In my defense, while we are formally married, I never had any extramarital relationships with other men,” paglilinaw pa ni Kylie.

Source:Facebook/Kapuso Mo Jessica Soho

Inamin din niyang kasalanan niya kung bakit naging bukas ang kanilang isyu nang magsimula siya magbahagi ng kanyang mga “cryptic posts” noong lamang Pebrero.

Saad niya, “This started noong February and I opened the door so that everyone can have a say but for me kasi, that time, I am suffering. I didn’t know how to handle what I was going through. And I’m sorry, I learned from that mistake.”

Nasaktan umano siya noong sabihin ito ng aktor sa kanyang social media lalo na’t nagkaroon sila ng kasunduan na magkasamang magpapa-interview para linawin ang lahat.

Source:Facebook/Kapuso Mo Jessica Soho

Aniya, “Na-hurt ako, sobra sa sinabi n’ya that I wrecked the family. Hindi ko in-expect ‘yun kasi we had an agreement — sabay tayong magpapa-interview para kahit after nito, kahit maghihiwalay na tayo, we’re still united front. Iisipin pa rin namin na family pa rin kami.”

Dagdag pa ni Kylie, napagalitan rin siya sa mga cryptic messages na ipinost niya at naging aware rin siya na naging reckless siya sa kanyang mga ginawa ngunit talagang nasaktan lang siya sa sinabi ni Aljur na siya ang unang nagloko. Na para bang sinisisi na naman siya ng aktor sa mga nangyari.

Sabi pa ni Kylie, “And if we play the blaming game, what are we gonna get if we try to attack each other online? I mean, who is it helping? Let’s do it in court na lang kung gudto mo ng ganyang labanan.”

Source:Facebook/Kapuso Mo Jessica Soho

Dagdag pa niya, nais na lamang niyang protektahan kung ano ang kaya at pwede pa niyang protektahan. Iniisip pa rin naman kasi ni Kylie ang kanilang mga anak at ayaw niyang lumaki ang mga bata na nakikita o nararamdaman na toxic ang kanilang magulang dahil siya mismo ay naramdaman na ito noon.

Pagpapaliwanag pa niya, “Kung mase-save ko pa sana ‘yung friendship namin, tuwing magkikita kami para kunin ‘yung mga bata, okay kami. Ayokong tuluyan na sirain ko siya o magbatuhan kami. Hindi ‘yun ‘yung gusto kong mangyari.”

Source:IG/kylienicolepadilla

Isa lamang ang hiling ni Kylie ngayon na sana dumating ang panahon na parehas nilang matagpuan ang kanilang tunay na kaligayahan.

“Tsaka ngayon, kahit tanungin ako ng mga tao, I still want him to be happy. Sana talaga, we both move forward from this and we both end up happy.”

Cristy Fermin, natutuwa sa pagpapaalam ni Aljur Abrenica kay Jeric Raval upang ligawan si AJ Raval!

Ang talk show host at kolumnistang si Cristy Fermin ibinahagi sa kanyang show ang patungkol sa tunay na relasyon ng aktres na si AJ Raval sa aktor na si Aljur Abrenica. Noon lamang October 7, sa isang episode ng kanyang show na ‘Cristy Ferminute’ isinalawat ng kolumnista ang pag-amin ni AJ sa panliligaw umano sa kanya ni Aljur Abrenica.

Dito kanyang pinuri si Aljur dahil hiningi nito ang permiso ni Jeric Raval upang ligawan ang anak nitong si AJ.

Saad pa nito, “Ang maganda kay Aljur, nagpupunta bahay nina Jeric at nagpaalam siya para manligaw sa anak ni Jeric na si AJ, ‘di ba? Nakakatuwa.”

Dagdag pa niya, “Mayroon lang siyang dapat asikasuhin dito talaga kung uuwi sa seryosong relasyunan ‘yung sa kanila ni AJ Raval. Kasal sila ni Kylie.”

Aniya pa, “Hindi natin pupwedeng i-deny na nagpakasal sila ni Kylie. At alam naman natin kapag kasal pa kayo wala ka pang karapatan na makipag-relasyon sa iba hangga’t hindi napapawalang-bisa ang una mong pakikipagbuklod sa iyong asawa. Siguro may mga usapan na ito.”

Si AJ Raval isang aktres, social media star and YouTube vlogger. Siya ay isa sa anak na babae ng action star na si Jeric Raval. Ang aktres ay napapanood sa movie na “Death of a Girlfriend,” kasama ang aktor na si Diego Loyzaga.

Ano ang inyong masasabi dito sa artikulong ito?