Kylie Padilla, hindi na napigilang maiyak ng tanungin ng kanyang ama na si Robin Padilla tungkol kay Aljur Abrenica!

148

Kylie Padilla hindi napigilan maging emosyonal nang mabanggit ng kanyang ama na si Robin Padilla ang tungkol sa kanila ng kanyang estranged husband.

Masakit at mahirap pa din para sa Kapuso aktres ang naging hiwalayan nila ng dating asawa na si Aljur Abrenica.

Sa naging vlog ng aktres kung saan nakasama niya ang kanyang ama, makikitang naging emosyonal pa din si Kylie sa kabila ng mga nangyayari.

Sa naturang vlog, nagkaroon ulit ng pagkakataon si Kylie na magkaroon ng heart-to-heart talk kasama ang kanyang ama.

Noong una ay si Kylie ang may mga binatong katanungan para sa action star na siya din namang sinagot ni Robin.

Pero sa huli, hinayaan naman ng aktres na siya naman ang tanungin ng kanyang Papa.

“Pero okay na kayo?” pagtukoy ni Binoe sa dating asawa ng anak.

Mahinang sagot ni Kylie, “Okay na kami, yes. Okay na kami, thank God.”

 

Pagpipilit ni Robin sa anak, “Sige nga kasi tinitignan kita sa mata e. Kasi hindi ka makakapagsinungaling sakin e.”

“Okay na po talaga, Pa. I promise. Ayoko nang mag ano, basta. Ang importante, andun kami para sa mga bata,” paliwanag ni Kylie na nagpipigil ng kanyang luha.

 

Nang tanungin kung masakit pa ba, dito na naiyak ang aktres habang sumasagot.

“To be honest, Pa yung mahirap lang talaga dun sa nangyari samin is never ko nang mae-enjoy yung pinapanood ko silang naglalaro. Yun lang. Kasi nung dumating na talaga yung time na di na siya nagwo-work, but bilang nanay… oh my God. Favorite ko kasi yun eh. Favorite ko yun eh, na pinapanood ko yung mga anak ko tsaka yung tatay nila na magkasama.”

Panuorin ang video dito: