Lalaki Na Viral Noong 2020, Hanggang Ngayon Ay Hinahanap Ang Babae Sa Jeep Na Nakatulog Sa Kaniyang Balikat

Isang tao na ang nagdaan simula noong mag-viral ang post ng netizen na si Arvee Rivera Estacio tungkol sa di niya kilalang babae na nakasaka...

191

Isang tao na ang nagdaan simula noong mag-viral ang post ng netizen na si Arvee Rivera Estacio tungkol sa di niya kilalang babae na nakasakay niya sa jeep kung saan ito ay humilig at nakatulog sa kaniyang balikat.

Nakuhanan ni Arvee ng larawan ang eksena nila na ito sa keep at ibinahagi sa social media sa pag-asa na mahahanap niya ang babaeng ito.

Ayon sa caption ni Arvee,

“Ate kung sino ka man, salamat at naiparamdam mo saakin na kahit sandali lang nagkajowa ako.”

 

Kaakibat ng naturang post ay ang larawan ni Arvee at ng babae kung saan makikita na ito ay nakahilig at natutulog sa balikat ni Arvee.

Ayon sa netizen, nag-alinlangan pa umano siya noon kung papara na siya sa keep para hindi maistorbo ang babae na mahimbing na natutulog sa kaniyang balikat.

Ito marahil ay isa sa mga nakakatawang kwento sa jeepney kung saan ang mga random na tao ay nakikilala ang isa’t isa na nauuwi sa pagiging magkaibigan o magkasintahan. Gayunpaman, ang kwento ni Arvee ay nakalulungkot dahil siya ay umaasa pa din na mahahanap niya ang babae na nagbigay sa kaniya ng isang hindi malilimutang karanasan sa jeep.

 

Ibinahagi ni Arvee ang kaniyang Facebook memories kasama ang naturang babae.

Saad niya sa caption,

“isang taon na pero di parin kita matagpuan.”

Umani naman ang kaniyang post ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens. May ilan pa na nagsasabi na baka silang dalawa ay hindi itinadhana para sa isa’t isa o di kaya ay hindi na ‘single’ ang babae na hinahanap ni Arvee.

 

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Baka mommy na po yan. Sobrang pagod lang kaya nakatulog kaya di na rin nagpakilala”

“Huwag mo na po hanapin. Baka mayari ka po ng mister niyan”

“Move on ka na po, malamang taken na si ate. Pagod lang talaga noon”