Lalaking Nag-Order Ng 5 Cake Ng Sabay-Sabay Para Sa 5 Girlfriend, Nabisto

77

Nabisto ng may-ari ng bakeshop ang isang lalaki na umorder sa kaniya ng limang cake at patago itong pinapahatid sa limang kasintahan, nito lamang nakaraang araw ng mga puso.

Ibinahagi ng Pandora Cake House, sa Sri Petaling, Kuala Lumpur, ang screenshot ng pag-uusap sa pagitan nito at customer, na isang estudyante sa kalapit na unibersidad, na nais umorder ng cake. Makikita sa ibinahaging screenshot na nag-order ang lalaki ng mga cake para sa araw ng mga puso o Valentine’s Day.

Nahiwagaan daw ang bakery sa order nito, sapagkat hindi lamang isa, kundi lima ang nais nitong kuhaning cake. Subalit, higit pang nakapagtataka, sikreto raw itong ipinahahatid sa iba’tibang address.

Ang limang cake na nais nito ay mayroong pare-parehas na size, flavor at “sweet message” na nakasulat sa gift tags.

Ang limang 6-inch mango cake ay mayroong mga kalakip na mensahe bawat isa sa nasabing mga gift tag, nakasulat dito ang mga katagang: “Dear Baby, due to the pandemic I can’t celebrate Valentine’s Day with you again. Hope our love will be as sweet as this cake.”

Hindi raw iyon ang unang beses na umorderang nasabing lalaki, sa halip, isa itong regular na customer. Ilang ulit na raw itong nag-order ng iba’t ibang klaseng cake upang i-deliver sa magkakaibang address.

Noong una araw ay isang cake para sa isang babae lamang ang order nito. Nang sumunod daw ay para naman sa tatlong babae, na kalauna’y naging para sa anim na babae.

Sa muli nitong pag-order para naman sa apat na babae.

Hindi raw inaasahan ng bakery na mga kasintahan pala ng lalaki ang mga babaeng pinadadalhan nito ng mga cake.

Hanggang sa sumapit nga ang araw ng mga puso, doon nila nabisto ang lalaki; sa pag-order nito ng limang cake na may kalakip na magkakaparehas na mensahe.

Read also:

Lalaki, Iρinagyabang Ang Montero Niya Pero Nanghihingi Ng Gas Money Sa Mga Ka-Date!

Maraming kwentong katatawanan ang mapupulot sa online dating. Maraming tao na rin ang mayroong kakaibang karanasan sa pakikipagkilala online. Gaya na lamang ng netizen na ito, na nabigla dahil sa lakas ng loob ng lalaking nakilala niya sa isang dating app!

Ibinahagi ng netizen na ito ang kanyang karanasan upang mabalaan rin ang ibang babae mula sa lalaking ito. Kakakilala niya lamang sa 18-anyos na si Supremo sa isang dating app, na nagpakilala bilang estudyante mula sa De La Salle University.

Noong una ay maayos pa ang kanilang pag-uusap. Ngunit hindi pa man tumatagal ang pag-uusap nila ay nagyaya na ang lalaki na lumabas, at pumayag naman ang babae.

Ayon dito, sakto raw at dadaan siya ng Quezon City, at nag-volunteer pa ito na ililibre ang kanyang ka-datesa drive thru at Starbucks.

Agad namang pumayag ang babae, ngunit nabigla siya ng bigla na lamang maningil ang lalaki para sa gas money sa Montero nito. Dagdag pa nito, naka-credit card lamang siya at ayaw nya mabawasan ang interes.

“Can you make ambag for our gas through gcash ko? Haha cuz credit card lang gamit ko rn ehh. Para di mapamahal interest ng cc ko, yung kaya mo lang haha g?” Tumanggi ang ka-match niya, na sinabing willing lamang siyang magbayad kung magkasama na sila sa personal.

Mukhang hindi naman ito nagustuhan ni Supremo, na agad nag-flood ng messages sa kanyang ka-match. Ayon sa kanya, ‘effort’ lamang ang tinitignan niya at hindi pera. Ngunit hindi na umubra ang mga palusot nito, at desidido na ang ka-match niya na i-cancel na lamang ang kanilang meet up dahil may kakaibang kutob na sya dito.

“Look, you can’t make effort to ambag nga yet ako pa pupunta sayo? For sure nagta-trabaho ka na, ako estudyante pa lang yet I got my car na at di ako kuripot. Ikaw na may trabaho na kumikita ng cash, ang kuripot haha!”

Agad namang nag-viral ang usapan nila sa social media. Maraming netizens rin ang hindi mapigilang mainis sa maangas na inasal ng lalaking ito. Ayon pa sa kanila, maswerte raw ang ka-match dahil hindi ito nagpadala sa mabulaklak na salita ng lalaki.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.