Lolit Solis, tapat na inaming pinapangaralan ang alagang si Paolo Contis: “Habang buhay niyang dadalhin kung anuman ang pagkakasala na nagawa niya sa buhay.”

113

Muling nagbigay ng kanyang pahayag si Lolit Solis kaugnay sa intrigang kinakaharap ng alagang si Paolo Contis.

Dumepensa si Lolit Solis sa kanyang pagtatanggol kay Paolo Contis matapos ang balitang hiwalayan niya kay LJ Reyes.

Wika ni Lolit, siguradong alam nina Paolo at LJ ang kanilang pinasok lalo’t pareho silang may anak bago naging magkasintahan.

“Siguro naman, matured na sila at pareho ng may natutuhan sa kanilang relasyon. Anim na taon, six long years ang pinagsamahan nila,” lahad ni Lolit.

Ayon pa sa talent manager, inakala daw siguro ng madla na magiging happy ending din si Paolo kay LJ dahil blooming ang love life ng kanyang dating asawa na si Lian Paz.

 

Matapos naman ng pahayag na iyon ni Manay Lolit ay muli siyang nagbigay ng kanyang reaksyon ukol dito.

Napunta ang kanyang simpatya kay LJ at sinabing hindi niya kailanman papanigan ang alagang si Paolo.

Ibinahagi ng batikang kolumnista at talent manager ang hirap bilang isang single parent. Na ngayon nga ay pinagdadaanan ni LJ.

Aniya, “Ang hirap maging solo parent, ang hirap ng magkaruon ng ganitong experience lalo na sa babae, lalo na may dalawa kang anak sa magkaibang ama. Bata pa si LJ kaya mas dapat na siya ang bigyan ng lakas ng loob.”

Kalakip din ng kanyang post ay sinabi ni Manay “Si Paolo Contis, habang buhay niyang dadalhin kung anuman ang pagkakasala na nagawa niya sa buhay. Kahit ano pa ang pangaral na gawin ko, si Paolo Contis parin ang may choice sa kanyang desisyon.

Lolit Solis, naniniwalang mas nasaktan si Paolo Contis sa hiwalayan nito sa aktres na si LJ Reyes

Dinepensahan ng batikang kolumnista at manager na si Lolit Solis ang alaga niyang si Paolo Contis.

Marami ang nainis at nagalit sa Kapuso actor na si Paolo matapos ang interview ni LJ Reyes kay Boy Abunda.

Sa nasabing panayam ay kinumpirma na nga ni LJ na hiwalay na sila ni Paolo. Kaya nagdesisyon siyang umuwi na ng New York kasama ang kanyang dalawang anak.

Ayaw magkomento ni LJ patungkol sa mga usap-usapan na may “third party” na sangkot sa kanilang paghihiwalay.

“Sa totoo lang kung ano man yung third party na sinasabi nila, its actually the least of my concerns,” sabi niya.

Sa nakalipas na dalawang buwan, sinabi ng aktres na mayroon siyang mga natutuklasan.

Napansin daw ni LJ ang pagbabago ni Paolo sa huling bahagi ng 2020. Mula sa pagiging homebody, naging madalas ang pag-alis ng aktor sa bahay.

Iniiwasan naman daw ni Paolo na pag-usapan ito.

Kaya naman ganun na lang ang galit ng kanilang mga fans kay Paolo dahil sa ginawa nitong pananakit kay LJ.

At bilang manager, to the rescue naman si Manay Lolit para ipagtanggol ang kanyang alaga.

Sa kanyang IG post saad ni Manay Lolit, “Alam mo Salve, iyon broken relationship hindi lang ang babae ang hurting. Sa mga nakita ko madalas pa ngang in pain at mas mahirap mag move on iyon lalaki dahil hindi tulad ng babae na open sa kanilang nadarama, mas madalas na itinatago ng mga lalaki ang tunay nilang feeling.”

Inilahad nito na nasasaktan din umano si Paolo sa nangyaring hiwalayan lalo pa’t lumayo na ang kanyang mag-ina.

Pinili lang umano ng aktor na manahimik para hindi umano malaman ng iba na nasasaktan din siya.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Lolit Solis: