Lolit Solis, tinanong si Gerald Anderson kung ano nga ba daw ang binigay nito noon na regali kay Bea Alonzo noong sila pa?

304

Nagbigay ng kanyang reaksyon si Lolit Solis ukol sa mamahaling regalo ni Gerald Anderson sa nobyang si Julia Barretto.

Ayon kay Manay Lolit, marami diumano ang naintriga sa regalong Rolex watch ni Gerald kay Julia noong pasko.

Kaya marami din umanong napapaisip ngayon. Kung ano nga ba ang iniregalo noon ni Gerald sa dating nobyang si Bea Alonzo.

Sa kanyang Instagram post saad ni Lolit, “Dami intriga ng ibinigay na Rolex watch ni Gerald Anderson kay Julia Barretto , Salve. Kung si Julia daw nabigyan ng rolex watch, ano naman kaya ang binigay kay Bea Alonzo. Na twice naging GF ni Gerard? Saka bakit nuon sila Gerard at Bea wah balita ng kung ano ang regalo, bakit ngayon si Julia nabalitaan na ng lahat?”

Ani pa ng beteranang kolumnista marami din daw ang nagtataka ngayon at napapatanong. Kung ano nga ba ang ineregalo din ni Dominic Roque sa girlfriend na si Bea noong nagdaang pasko.

“Pati tuloy si Dominic Roque na intriga kung ano iniregalo kay Bea, binigyan kaya ng Seiko watch? Sarap palang maging BF si Gerard Anderson, high lifestyle ang peg sa pag regalo. Lalo pa siguro sa pamilya niya, baka mas generous pa si Gerald. Kaya Salve at Gorgy, hanap kayo ng good ‘listener’ sa gusto ninyo gift, para ibigay ang nasa bucket list nyo, bongga” dagdag pa nito.

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

 

Ang tinutukoy naman na ‘good listener’ sa post na iyon ni Manay Lolit ay tungkol sa pahayag ni Marjorie Barretto.

Sinabi kasi nito na good listener si Gerald at alam na alam umano nito ang regalong makakapagpasaya sa bawat miyembro ng kanilang pamilya.