Madam Inutz, pinapayagan ni Big Brother na makapag online selling upang makatulong pa rin sa kaniyang pamilya kahit nasa loob ng PBB House!

183

Kahit nasa loob ng Pinoy Big Brother House, Madam Inutz push pa rin siya sa online selling para sa pamilya.

Noong unang linggo ni Madam Inutz sa loob ng ‘Bahay ni Kuya’ ay tinuruan niya ang mga housemate. Na maglive selling tulad ng kanyang ginagawa at kung saan siya unang nakilala.

Katuwang din niya ang komedyanteng si Brenda Mage na nakipagsabayan din kay Madam Inutz sa kanyang pagbibigay sample kung paano niya ginagawa ang kanyang dating hanapbuhay.

Sa pamamagitan ng KUMU live streaming app, mapapanood ang mga housemates kung saan maaring mag-mine ng kanilang mga binebenta. Bukod sa mga damit, mga household items din ang kanilang ilalako gamit ang live-selling tips sa kanila ni Madam Inutz.

At kaninang umaga lamang, pinayagan din ni Big Brother si Madam Inutz na maglive selling.

Habang nasa loob kasi ng PBB house ay iniisip ni Madam Inutz ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Hindi naman kaila sa publiko na ang pagtitinda ng mga damit online ang ikinabubuhay ng pamilya ni Madam Inutz.

Doon siya kumikita para ipangtustos sa mga kailangan ng kanyang mga mahal sa buhay.

Kaya naman hindi na nagdalawang isip si Kuya na payagan ang sikat na online seller turned vlogger and instant celebrity na magtinda.

Katulong ng mga PBB staff ay rumatsada na nga sa pagbebenta si Madam Inutz. At syempre nakasuporta pa rin sa kanya ang kanyang mga suki.

Hinangaan naman ng marami ang kasipagan ni Madam Inutz. Napaka family oriented umano nito dahil kapakanan ng pamilya ang laging nasa isip.

Every Tuesday and Friday ang binigay na schedule ni Kuya para sa live selling ni Madam Inutz

Panoorin dito ang kanyang live selling sa loob ng PBB House:

Madam Inutz, humagulgol sa iyak dahil sa surpresang regalo ni Wilbert Tolentino na house & lot sa kanya

Bumuhos ang luha sa sobrang tuwa si Madam Inutz sa sorpresang hatid sa kanya ni Wilbert Tolentino.

Sa latest vlog ng negosyante at vlogger na si Wilbert, ibinahagi niya ang kanyang motivational gift. Para sa kanyang alaga na si Madam Inutz.

Sa nasabing video, inilahad ni Wilbert na pangarap ni Madam Inutz na mabigyan ng sariling bahay at lupa ang kanyang nanay.

Sa lahat ng sakripisyong nagawa ni Madam Inutz para sa kanyang buong pamilya. Napagdesisyunan ni Wilbert na bigyan niya ito ng motivation.

Para mas lalo itong ganahan magtrabaho at mas magpursige na maabot nito ang kanyang mga pinapangarap.

Isang 88 square metres na house and lot ang iniregalo ni Wilbert kay Madam Inutz. At habang nasa loob ng Pinoy Big Brother house si Madam Inutz ay ipaparenovate nila ito.

Saad ni Wilbert, “Punong-puno ng surprise ang gusto kong maramdaman ni Madam Inutz kasi itong batang ‘to sobrang grateful at sobrang thankful na tao.”

Nang makarating sila sa subdivision itinuro ni Wilbert kung nasaan ang bahay at lupa na binili ni niya para sa kanyang alaga.

Nang makita naman ito ni Madam Inutz ay agad itong humagulgol sa iyak.

Hindi maipaliwanag ng sikat na online seller turned vlogger and celebrity ang kasiyahan kanyang nadarama sa oras na iyon.

Wala siyang ibang namutawi kundi pasasalamat para sa kanyang manager.

Aniya hindi talaga siya nagkamali ng desisyon na ipagkatiwala niya kay Wilbert ang magiging career niya ng pasukin niya ang industriya ng showbiz.

Kaya naman isang mahigpit na yakap ang tugon naman sa kanya ni Wilbert.

Umani naman ng papuri ang kabaitang ito ni Wilbert. Marami ang humanga sa pagiging mapagbigay niya sa kanyang mga alaga.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanyang vlog: