Mag-Asawa, Nagulantang Sa Idinagdag Ng Waiter Nang Ipina-Takeout Nila Ang Natirang Pagkain

Kinagiliwan ng mga netizens ang kwento ng mag-asawang nagpa-take out ng natira nilang pagkain mula sa isang restaurant sa Batangas. Sa post ...

364

Kinagiliwan ng mga netizens ang kwento ng mag-asawang nagpa-take out ng natira nilang pagkain mula sa isang restaurant sa Batangas.

Sa post ng mister na si Lorenzo Faraon, nanghinayang umano sila ng kaniyang misis sa pagkain na kanilang natira noong kumain sila sa isang restauranta sa Batangas kaya napagdesisyunan nilang mag-asawa na ipabalot na lamang ito para maiuwi pa nila.

Pero dahil nahihiya siyang magsabi na ite-take out na lamang nila ang natirang pagkain, sinabi na lamang nila sa waiter na balutin ang mga pagkain para sa kanilang alagang aso.

Ngunit ang totoo ay kakainin pa sana nila ang pagkain na natira kung sakali man na sila ay magutom pag-uwi ng kanilang bahay.

 

 

Pagbabahagai ni Lorenzo,

“So tinawag ko si kuyang waiter, sabi ko bossing sayang ito itake-out ko nalang para sa aso nmin.”

Noong ibinalik na sa kanila ang kanilang take out, magiliw pa na sinabai sa kanila ng waiter na dinagdagan na niaya ito ng pagkain upang mas marami ang maipakain nila sa kanilang alagang aso.

“Sinamahan ko na din po ng iba pang tira-tira para mas madami po kayong maiuwi sa aso niyo.”

 

 

Natulala na lamang daw sila sa waiter at sinabi sa sarilai na sana ay inubos na lamang nilang mag-asawa ang pagkain na natira.

Mabilis na naging viral sa social media ang naturang post ni Lorenz at umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens. May ilan na natawa sa karanasan ng mag-asawa ngunit may ilan din naman na nagpahayag na sana ay sinabi na lamang ang totoo sa waiter.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“wla namn kase nkakahiya magpatake out.. nsa pagkatao mo na un kung masyadong mataas tingin mo sa sarili mo kya nahihiya ka gawin ung mga karaniwang ginagawa ng mga ordinaryong tao..”

“Wag ka kc magkunwari tama naman s waiter mapagbigay pa”

“sayang na tuloy hahah imbis malinis nasaliham pa ng ibang tiratira ”

“Mapagkawanggawa yung waiter e tutal aso naman yung kakain eh,dapat sinabi na lng pakibalot under stood na yun ng waiter na sa tao yun,lesson learn mag paka totoo”

TRENDING: Donya Sa Cebu, Ayaw Bayaran Ng Buo Yung Inorder Dahil Hindi Nagustuhan Ang Pagkain! Netizens, Anong Masasabi Niyo Rito?

Sa panahon ngayon na bawal lumabas at walang masyadong lumalabas ay nauso ang online selling. Dumami na rin sa atin ang rumaraket sa pag-oonline. Halos lahat na yata ng bilihin ngayon ay mabibili na natin online. Mapapansin natin na malaki ang tulong ng mga social media applications sa mga nagbibisnes ngayon.

Isa na rito si Marjorie Alison, nagmamay-ari ng Marjorie’s Food Tray packages. Nag-trending ito kamakailan ng magpost ng live video ng kanyang customer na ayaw bayaran ang natitirang PhP9,000 sa P18,000 na napagkasunduang presyo. Ito ay may isang lechon, walong putahe ng ulam at dalawang fruit trays.

“Si madam ayaw magbayad kinain lechon package ko ayaw mag full pay kasi hindi daw satisfied pero kinain lahat lechon package ko.. asan hustisya ng mga small business owner lalo na sa online lang naghahanap buhay”

Umabot sa mahigit 300k shares, mahigit 200k reaction at 4 million views na ang video na ito.

Inulan ito ng samut saring opinion ng netizens.

“Dapat talaga fully paid na sa mga ganyan…. syempre me puhunan yan. Kung hindi nasarapan eh di wag nlng umulit…pero you have to pay”

“Mga ** talaga! Bagu ka mag confirm ng order mo, aware kanaman dapat sa package na inorder mo! Educated but not totally mannered!”

Maraming netizens ang nagalit ngunit mayroon ding umayon sa customer.

“Customer is always right”.

Netizens, anong masasabi niyo sa pangyayaring ito?