Mapanindig balahibong “cockroach cake”, ibinida sa Davao City! Kakain ka ba nito?

315

KAKAIN KA BA NG CAKE, KUNG GANITO ANG HITSURA?

Isang 36-year-old baker mula sa Davao City ang gumawa ng isang mapanindig balahibo na birthday cake para sa kanyang kliyente noong May 1, 2021.

Agad naman itong naging viral sa social media dahil sa hitsura nito. Ito ay ang “cockroach cake” na ginawa ni Christine Gil Gestosani. Sa panayam kay Christine ng Philippine Star, sinabi niya na ang cake ay ireregalo daw ng kanyang customer sa asawa nitong matatakutin sa ipis.

Photo: Facebook/Christine Gil Gestosani

Ayon pa sa uploader, lahat naman daw ng mga ipis pati na din ang maliliit na itlog nito na nasa cake ay puwedeng-puwede na makain. Kuwento pa niya na inabot siya ng tatlong araw sa pag-bake at sa pag-design ng naturang “cockroach cake”.

“Cockroaches (design) are like candies na dried fondant. [They are made of] moist chocolate with chocolate filling and covered with fondant (marshmallow and powdered sugar),” pagbabahagi ni Christine.

Photo: Facebook/Christine Gil Gestosani

Eto umano ang unang beses na siya ay gumawa ng isang “cockroach cake.”

Dagdag pa niya, “now marami na may daga, ipis, centipede, and snakes. ‘Yung decorating and art part na ang pinaka fun part“.

Photo: Facebook/Christine Gil Gestosani

Nagkakahalagang P2,000 ang anim na pulgadang “cockroack cake”. Sobra naman ang pagkagulat nila Christine ng biglang mag-viral ang ginawa nilang cake sa social media. Nakatanggap din ito ng samu’t saring reaksyon mula sa online community.

“Tawa lang kami nang tawa ni client [sabi sa] mga comments na kadiri daw. Ok na rin, meaning effective ‘yung design,” sabi ni Christine sa panayam niya sa Philippine Star.

Narito ang buong Facebook post ni Christine:

“Ditched cake competition for this hahahahah

“Tindig balahibo while working 

“But this is love noh??? Hahahha loving somone is to scare them with their iwn bday cake hahahahhaha

“Fyi all ipis are edible pati tiny eggs ”

Sa ngayon, ang naturang Facebook post ni Christine ay mayroon ng 6,700 reactions at 24,000 shares.

Ano po ang masasabi niyo sa “cockroach cake” na ito? Kaya niyo bang kumain ng ganyang cake na galing sa inyong loved ones?

May mga kakaibang kwentong cake din ba kayo? i-comment niyo na yan sa comment section sa baba!

Lalaking Nag-Order Ng 5 Cake Ng Sabay-Sabay Para Sa 5 Girlfriend, Nabisto

Nabisto ng may-ari ng bakeshop ang isang lalaki na umorder sa kaniya ng limang cake at patago itong pinapahatid sa limang kasintahan, nito lamang nakaraang araw ng mga puso.

Ibinahagi ng Pandora Cake House, sa Sri Petaling, Kuala Lumpur, ang screenshot ng pag-uusap sa pagitan nito at customer, na isang estudyante sa kalapit na unibersidad, na nais umorder ng cake. Makikita sa ibinahaging screenshot na nag-order ang lalaki ng mga cake para sa araw ng mga puso o Valentine’s Day.

Nahiwagaan daw ang bakery sa order nito, sapagkat hindi lamang isa, kundi lima ang nais nitong kuhaning cake. Subalit, higit pang nakapagtataka, sikreto raw itong ipinahahatid sa iba’tibang address.

Ang limang cake na nais nito ay mayroong pare-parehas na size, flavor at “sweet message” na nakasulat sa gift tags.

Ang limang 6-inch mango cake ay mayroong mga kalakip na mensahe bawat isa sa nasabing mga gift tag, nakasulat dito ang mga katagang: “Dear Baby, due to the pandemic I can’t celebrate Valentine’s Day with you again. Hope our love will be as sweet as this cake.”

Hindi raw iyon ang unang beses na umorderang nasabing lalaki, sa halip, isa itong regular na customer. Ilang ulit na raw itong nag-order ng iba’t ibang klaseng cake upang i-deliver sa magkakaibang address.

Noong una araw ay isang cake para sa isang babae lamang ang order nito. Nang sumunod daw ay para naman sa tatlong babae, na kalauna’y naging para sa anim na babae.

Sa muli nitong pag-order para naman sa apat na babae.

Hindi raw inaasahan ng bakery na mga kasintahan pala ng lalaki ang mga babaeng pinadadalhan nito ng mga cake.

Hanggang sa sumapit nga ang araw ng mga puso, doon nila nabisto ang lalaki; sa pag-order nito ng limang cake na may kalakip na magkakaparehas na mensahe.

Customer Na Demanding, Gυstσng Hυmingi Ng Pєra Para Sa Money Cake Na Ipinapagawa Niya!

Sa panahon ngayon, usong-uso na ang mga surprise birthday cakes! Talagang hindi makukumpleto ang birthday celebration kung walang makulay na cake. Maraming designs at iba’t-ibang pakulo ang nauuso upang gawing mas exciting ang cake. Isa na dito ay ang money cake, na mayroong surprise bills sa nakatago sa loob.

Kung gusto mong i-surprise ang mahal mo sa buhay, pwede mo siyang regaluhan ng money cake! Kung wala kang maisip na magandang regalo, siguradong matutuwa ang birthday celebrant sa cash na laman ng kanyang cake. Kaya naman usong uso na rin sa social media ang pagreregalo nito sa isang birthday celebrant.

Kamakailan lang, isang netizen ang dismayado matapos mag-inquire sa isang online bakeshop. Interesado ang netizen na magpagawa ng money cake para sa nalalapit na kaarawan ng isang mahal niya sa buhay. Kaya naman agad itong nag-message sa baker upang mag-inquire sa presyo ng cake.

Ngunit nagulat na lamang ang customer matapos malamang hindi pala sagot ng baker ang perang ilalagay sa loob ng cake!

Noong una, aakalain mong nagbibiro lamang ang customer, ngunit mukhang seryoso ito sa kanyang tanong. Hindi mapigilang madismaya nito matapos siyang sagutin ng baker.

Ayon sa baker, P800 ang presyo ng maliit na money cake, samantalang P1,500 naman ang malaki. Naka-depende na rin sa customer kung magkano ang gusto nilang ilagay na pera sa loob ng cake. Mukhang hindi naman ito nagustuhan ng demanding na customer, na agad sumagot ng:

“Ay grabe kayo. Sobra naman kayo. kala ko kasama na yung 10k. Totoo ba? Bakit sa iba may kasama ng pera,” reklamo nito. Agad namang nag viral ang usapan nila sa social media, at maraming netizens ang talagang napa-react dito.

Silipin ang mga komento nila dito:

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag follow o mag like sa aming Facebook page.