Markki Stroem, matapang na ibinahagi ang totoong estado ng relasyon nila ni Marvin Agustin!

274

Sa wakas, nagsalita na ang aktor na si Markki Stroem tungkol sa isyu na ibinabato sa kanila ni Marvin Agustin.

Matagal na ang usap usapan tungkol sa tunay na relasyon nina Markki at Marvin. Marami kasi ang nang iintriga sa kanila na may relasyon umano ang dalawa dahil na din sa kanilang mga travel photos na magkasama.

Sa naging interview ni Markki sa radio program ni Cristy Fermin na Cristy Ferminute noong January 10, 2022, direstsahan nang sinagot ng aktor ang pilit na ibinabato sa kanila.

Paliwanag ng Kapuso actor, magkaibigan lang daw talaga sila ni Marvin.

“In terms of Marvin… Marvin, friend ko iyon. Hanggang ngayon, friend pa rin kami. And in my opinion…” panandalian nag isip si Markki.

Pagpapatuloy nito, “It is our world. We can be friends with whoever we want to be.”

Aminado naman ang huli na on-and-off daw ang friendship nilang dalawa.

“And minsan we’re good friends, and minsan hindi masyadong good friends.

“Minsan hindi na kami okay. Minsan okay pa kami.”

Sa kabilang banda, hindi daw mahilig magbahagi sa iba si Markki tungkol sa kanyang personal relationships.

Pero mariin niyang pinabulaanan ang mga intriga na idinadawit sa kanila ng kapwa aktor.