Melai Cantiveros, Inamin Na Hindi Siya Nagbibigay Ng Tulong Sa Tuition Fee Ng Kaniyang Mga Kamag-anak

71

Kahit pa man maayos na ang kalagayan ng aktres at dating PBB grand winner na si Melai Cantiveros pagdating sa pinansyal, inamin niya na tumatanggi siya na magbigay ng tulong sa kaniyang mga kamag-anak, lalo na pagdating sa kanilang tuition fees.

Sa isang video na ini-upload ni Enchong Dee sa kaniyang YouTube channel noong Biyernes, Abril 2, ibinunyag ni Melai na hindi siya ang nagbabayad ng tuition fee ng kaniyang mga kamag-anak.

Ayon kay Melai, hindi niya obligasyon na magbigay ng tulong sa mga tao sa pamamagitan ng pag-ako ng kanilang responsibilidad. Saad ng actress-TV host, hindi umano siya ang nagbabayad ng mga tuition fee ng kaniyang mga pinsan.

 

Kung sakali man daw na hihingi ang kaniyang kapatid na pangtuition ng anak nito, sinasabi niya na hindi naman niya anak ito kaya bakit siya ang magbabayad ng kanilang tuition fee.

Ani Melai,

“Kunyari sa mga pinsan ko, hindi ako magbabayad ng mga tuition fee nila. Hihingan ako ng kapatid ng pang-tuition, (sasabihin ko) ‘Ba’t ako (magbabayad ng) tuition fee ng anak mo?’ Eh anak mo ‘yan.”

 

Ibinahagi din ng aktres na tinuruan sila ng kanilang ama na huwag umasa sa ibang tao kundi magtrabaho at magsikap para matupad ang kanilang mga pangarap kaya naman hindi niya binabali ang kaniyang desisyon na huwag tumulong sa kaniyang mga kamag-anak, kahit pa sa kanilang edukasyon.

Dagdag ng TV host,

“The best ‘yung maging breadwinner pero dapat breadwinners… Lahat kayo breadwinners ng family. Kunwari nagta-trabaho si Ate. Dapat nagta-trabaho ka rin. Kunyari sinabi ng kapamilya ko tuition fee, (sasabihin ko) ba’t ako mag-tuition fee? Pagalitan talaga. Mang1ng1nig ka talaga.”

Snabi ni Melai na naiintindihan naman ng kaniyang mga kapatid ang dahilan niya sa hindi pagbibigay ng tulong sa kanila. Ngunit, sa kabila ng pagkakaroon niya ng mahigpit na patakaran, sinisiguro pa din niya na inii-spoil niya ang kaniyang pamilya.

Read also:

Heart Evangelista bilang steρ mom sa kambal ni Chiz Escudero

2018 noong isinapubliko ni Heart Evangelista na siya ay nakunan sa dalawang kambal nila sana ni former Senator Chiz Escudero at Governor na ngayon ng Sorsogon. 2012 noong nag-umpisa ang pagmamahalan ni Heart at Chiz at ikinasal sila noon 2015 sa Balesin Island, Polilo Quezon.

Si Senator Miriam Defensor Santiago ang nagpakilala sa isa’t-isa. Wala pa noon balak pang umibig si Heart dahil kakagaling lang niya sa break up pero dahil sa tiyaga at dedikasyon ni Chiz ay napasagot niya ito.

Nagkaroon naman ng dalawang anak si Chiz sa dati niyang asawa na si Cristy Flores at ito ay kambal din. Sila ay sina Chesi at Quino na 13 years old na ngayon.

Ibinahagi naman ni Heart ang pakikitungo at relasyon niya sa kambal na anak ni Chiz. Sa kanyang latest vlog ay sinagot niya ang tanong na ‘You don’t treal your stepkids nicely.’

“I have to treat them extra nice because I’m fully aware I am their stepmom.”

“In the beginning, I must admit, it was very very hard for me to adjust because I am the youngest of my siblings and I never really had total freedom in my life and then finally when I was married,”

“I had all the freedom but then you know, I couldn’t make out with my husband anywhere in the house because we have kids and that was really hard for me.”

“I am just saying that the setup was such an adjustment because I had to really mature and I wasn’t even thinking my age, I was so much immature during those times”.

Napaisip din dati noon si Heart kung ganito ba talaga ang gusto niya sa kanyang buhay. Hindi man daw siya ang kanilang tunay na ina pero napamahal na ito sa kanya na parang tunay na niyang anak.

Napamahal na din ang kambal kay Heart, sa katunayan ay nakatanggap si Heart ng simpleng regalo mula sa kanyang mga stepkids, meron din silang napakahabang mensahe sa kanilang stepmom.

“Thank you for always being here for us and being basically our mother figure while in quarantine and we don’t see daddy and our mom everyday,”

“Us spending time at home together has really shown me and ate your love for Daddy, for us, for our dogs, for all we are within the house and your fellow Filipinos,”

“We saw how strong you are and how you can take care of a household without having experience as a parent,”