Mga Anak, Gumawa ng Lobo Gamit ang Platik para sa Kaarawan ng Kanilang Ama!

76

Wala nang mas sasarap sa pakiramdam ng isang ama na may mga anak na nagmamahal sa kanya. Ito na marahil ang pinaka masaya at pinaka magandang pangyayari sa buhay ng isang ama. Sa tuwing sasalubong ang mga anak sa kanilang ama na galing sa trabaho ay humuhupa ang pagod na nararamdaman nila.

Isang facebook post ni Melody Silang ang nag-viral sa Social Media na umabot ng 108k reactions at 53k shares. Ayon kay Melody, naantig ang kanyang puso sa kanyang mga kapitbahay dahil kahit na salat sa buhay ay nagawang mag-effort ang mga batang ito para sa kaarawan ng kanilang ama.

Ang plano ng magkakapatid ay sorpresahin ang kanilang ama na galing sa trabaho. Sa kadahilanang wala silang pang bili ng lobo ay gumamit sila ng plastik-labo na nagsilbing mga lobo para sa kaarawan ng kanilang ama.

Kwento pa ni Melody, sinulatan pa ng mga bata ng ‘Happy Birthday Papa’ ang kanilang ginawang lobo at saka sinabit sa lubid at kawayan. Gumawa din sila ng cake na gawa sa itlog.

Nakakamangha ang ganitong klase ng mga anak, kahit na sila ay walang pera ay nagawa nilang maggugol; ng oras para lang mapasaya nila ang kanilang ama para sa kaarawan nito.

Narito ang kabuuang post ni Melody Silang sa kanyang facebook account:

Read also:

Isang Lola Ang Hinangaan At Binuhusan Ng Tulong Matapos Magviral Dahil Mag-isa Niyang Itinataguyod Ang Kanyang Anak At Apo Sa Pamamagitan Ng Paggawa ng Barbecue Stick

Kapag naging isang ina ka na magagawa mo ang lahat para sa anak mo, hindi na pansarili ang nasa isip kundi sa kapakanan na ng mga anak mo. Hindi na mahalaga kong wala ka basta meron sila. Ganun ang mga ina handang isakripisyo ang lahat para sa kanyang anak. Hanggat nabubuhay ang ating mga ina, hindi nila hahayaang nakikitang naghihirap ang kanyang mga anak.

Source: Marilou Lebanes

Tulad ng Lolang ito na kahit mayroon ng katandaan nagsusumikap paring gumawa ng stick ng barbecue para may maipangbili lamang ng pagkain at kakailanganin ng kanyang anak na may кαραnsanan at ang kanyang apo. Ang kanyang apo ay ang anak ng may кαραansanan sa ρag-iisiρ, wala pa itong 2 taong gulang. Nabuntis ng hindi nakikilalang lalaki ang anak ni lola kaya siya ang nag-aalaga dito.

Source: Marilou Lebanes

Ang nakakadurog ng puso na istory ng buhay ng mag-ina ay ibinihagi ng kanilang kapitbahay na si Marilou Labanes, makikita ito sa video na pinost nito sa social media at talagang marami ang naawa sa kalagayan ng mga ito Halos si lola na ang tumatayong ama at ina sa dalawa, si lola ang gumagawa ng lahat ng gawaing bahay at ang paghahanap buhay.

Ang pag tiyatiyagang pag gawa ni lola ng barbecue stick ang bumubuhay sa kanila, naibebenta niya ito sa halagang limang piso bawat isang daang piraso at halos 25 pesos lamang ang kanyang nabebenta sa araw araw at yun lamang ang pinagkakasya niya para may makain sila.

Upang sumakto ang maliit na kita ni lola mais na bigas ang kanyang binibili, at minsan daw mayroong mabubuting puso ang nagbibigay ng bigas upang ipakain sa kanyang anak at apo. Halos asukal lang din ang kanilang inuulam.

Source: Marilou Lebanes

Pangarap ni Lola para sa kanyang anak at apo ang mabigyan ito ng maayos na bahay para kung sakaling tumunda ito ay hindi sila mahihirapan. Minsan napapaisip si lola sa sobrang kahirapan na mas mabuti pa sigurong mamatay dahil sa sementeryo ang tirahan at talagang ito’y nakakadurog ng puso.

Sa ginawang pag video ni Marilou sa sitwasyon nina lola, nais niyang manawagan at humingi ng tulong para sa mag-anak na ito upang mapagaan ang kanilang buhay. Nawa’y maraming may mabubuting puso ang mag-abot ng tulong at malasakit sa pamilya ni Lola.