Mga anak ni Alfred Vargas at Yasmine, artistahin!

118

Masayang masaya at kuntento ang buhay ngayon ng dating Encantadia star na si Alfred Vargas kapiling ang kanyang asawa na si Yasmine Espiritu-Vargas at kanilang tatlong anak na isang lalaki at dalawang babae.

Nabigyan siya ng break noong nakasama siya sa Encantadia at gumanap bilang Aquil kasama sina Sunshine Dizon, Karylle at Diana Zubiri.

Nakapagtapos ng A.B. Management Economics si Alfred sa Ateneo de Manila University at meron din siyang master’s degree sa Public Administration (University of the Philippines, Diliman).

Bago niya nakilala ang kanyang asawa ay sinabi ni Yasmine na isa lamang siya noon fan ni Alfred at marami siyang poster noon sa loob ng kanyang kwarto dahil crush na crush daw niya ito noon.

Si Yasmine ay Half Filipino-Italian at dalawang beses silang ikinasal ni Alfred, 2017 sa simbahan at 2010 naman sa civil ceremony.

Ayon kay Alfred ay una niyang nasilayan si Yasmine noong kinuha siya bilang guest sa isang fiesta noon sa barangay nila Yasmine at doon pa lamang ay na love at first sight na siya.

Niligawan kaagad ito ni Alfred dahil alam niyang siya na ang babaeng mamahalin niya at makakasama niya habang buhay.

Biniyayaan sila ng tatlong anak na sina Alexandra Milan na ipinaganak sa Italy, si Aryana Cassandra at ang nag-iisang bunsong lalaki na si Alfredo Cristiano.

Dahil nag-iisang lalaki lamang siya ay alagang alaga siya ng kanyang mga ate. May mga netizens na nagsasabi or nagtatanong sa mag-asawa kung papayagan ba nila ang kanilang anak na pasukin ang mundo ng showbiz kung sakaling gusto nilang mag-artista. Pag wala naman trabaho si Alfred ay madalas silang maglakad lakad bilang bonding nila together.

“When I was a kid growing up, time was so slow. Now that my kids are growing up, time is just so fast.”

“Whether time is snail-like or hasty, as a dad, I just want to spend the most time with my children and make wonderful memories with them. Even the simplest Sunday afternoon walks can create the most beautiful memories. Today, we just observed the little ants and insects we encountered along the streets and were greeted also by the charm of the colorful flowers.”

Samantala, mahigit isang dekada na ang pagsasama ni Alfred at Yasmine at hanggang ngayon daw ay nandoon parin yung kilig na naramdaman nila noong una silang magkita at magkakilala.

“Napakaswerte ko sayo. Ang sarap magising tuwing umaga na katabi kita. Ang sarap mong ligawan araw-araw hanggang ngayon at ipagpapatuloy kong ligawan ka kahit maputi na ang buhok natin. Salamat dahil laging oo naman ang sagot mo sa akin. Mahal na mahal kita,” saad ni Alfred

May mga netizens din na nagsasabi na kamukha ni Yasmine ang Primetime Queen nang GMA na si Marian Rivera.

Read also:

Angel Locsin, Nakatanggaρ Ng Buℓakℓak Mυℓa Kay Marian Rivera

𝚂𝚒𝚗𝚊 𝙰𝚗𝚐𝚎𝚕 𝙻𝚘𝚌𝚜𝚒𝚗 𝚊𝚝 𝙼𝚊𝚛𝚒𝚊𝚗 𝚁𝚒𝚟𝚎𝚛𝚊 𝚊𝚢 𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚖𝚊𝚐𝚊𝚐𝚊𝚕𝚒𝚗𝚐 𝚗𝚊 𝚊𝚔𝚝𝚛𝚎𝚜 𝚜𝚊 𝚒𝚗𝚍𝚞𝚜𝚝𝚛𝚒𝚢𝚊 𝚗𝚐 𝚜𝚑𝚘𝚠𝚋𝚒𝚣. 𝙿𝚊𝚛𝚎𝚑𝚘 𝚜𝚒𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚐𝚊𝚕𝚒𝚗𝚐 𝚐𝚞𝚖𝚊𝚗𝚊𝚙 𝚜𝚊 𝚖𝚐𝚊 𝚛𝚘𝚕𝚎 𝚗𝚊 𝚒𝚋𝚒𝚗𝚒𝚐𝚊𝚢 𝚜𝚊 𝚔𝚊𝚗𝚒𝚕𝚊.

Sila ay parehong hinahangaan ng kanilang mga taga-hanga at ng mga manonood. Kung kaya’t nang lumipat si Angel sa Kapamilya hindi maiwasang maikumpara silang dalawa. Ngunit gayunpaman nanatiling magkaibigan pa rin ang dalawa.

Sa Instagram post ni Angel, masaya niyang ibinahagi ang bulaklak at vase na niregalo sa kaniya ni Marian. Pinadalhan si Angel ni Marian ng isang “Dried Blooms” na bulaklak galing sa kaniyang online flowershop business na Flora Vida.

Kaya labis na natuwa si Angel sa ipinadalang regalo sa kaniya ni Marian. Ayon kay Angel, napakaganda ng bulaklak at ng vase na iniregalo sa kaniya ni Marian na sobrang nagbigay sa kaniya ng kasiyahan.

Kaya nagpost uli ito sa kaniyang Instagram na may caption na, “I think this flower plus vase from @floravidabymarian is simply gorgeous! Don’t you think? Salamat sa pampahappy Marian Rivera .” Ipinahiwatig rin naman ni Marian ang pasasalamat sa kaniya ni Angel.

Si Marian ay nag-aral sa Kyoto, Japan ng mga flower arrangement at ang mga ibang bagay na may kinalaman at kasanayan tungkol sa mga bulaklak. Dito niya natutunan ang mga sikat na mga gawa ng mga kilalang florist sa buong mundo. Kung kaya’t nang umuwi siya ng Pilipinas ay ginamit niya ang kaniyang mga kasanayang natutunan nang maisipan niyang magtayo ng sarili niyang flower shop.

Ang mga netizens ay gandang ganda sa mga bulaklak na ipinakita ni Marian sa kaniyang Instagram. Ayon sa isang netizen, napaka-classical at very comfortable daw sa loob ng bahay ang kaniyang mga bulaklak.

Ayon naman sa iba, pampatanggal ng stress ang mga bulaklak ni Marian. Talaga nga namang nakapa-ganda ng mga bulaklak na kinahihiligan kayo ni Marian Rivera.

Dahil na rin sa matagal nilang pagkakaibigan nila ni Angel Locsin kaya naisipan niyang ibahagi ang kaniyang mga bulaklak upang mapasaya niya rin ito sa kabila ng ραndєmiya