Mga netizens naantig sa sweet handwritten notes na ibinigay ni Aki sa ina niyang si LJ Reyes

118

Natouch ang maraming netizens sa mga sulat na ibinahagi ni LJ Reyes mula sa kanyang panganay na si Aki.

Sa kanyang latest Instagram post, ipinagmalaki ni LJ kung gaano kalambing ang kanyang baby boy na si Aki.

Ibinahagi ng Kapuso actress ang mga hand written notes ng anak nila ni Paulo Avelino para sa kanya. Kung saan makikitang nakasulat kung gaano kamahal ni Aki ang kanyang ina.

Sa unang sulat mababasa ang message na “I love you mom up to the moon and star and sun.”

Sa sumunod naman na larawan ng letter ni Aki para sa kanyang mommy LJ ay ipinahiwatig ni Aki ang pagmamahal niya sa ina. Naglambing ito para din mabilhan umano siya ng laruan.

“Dear mommy I love you forever and I wish that you will love me forever and I wish that you buy me a toy.”

Caption naman ni LJ sa kanyang post, “Handwritten notes from Aki are the best! Ewan ko pero lagi talaga akong tunaw na tunaw lagi when I get these handwritten notes from my son. Proof ba na batang 90s ako?”

“But honestly, I think expressing your feelings and showing your appreciation through this small gesture are always the best way to show and make people feel special!”

 

Maraming netizens naman ang naantig sa post na ito ni LJ.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

“MinaIas ka man sa mga dati mong naging karelasyon. Maswerte at pinagpala kang may mapagmahal na mga anak God bless Ms. LJ stay strong”

“Di ka man na sinuwerte sa 2 tatay ng anak mo, binigyan ka naman ni God ng mabuti, malambing at mapagmahal na anak.”