Neil Arce, galit na binuweltahan ang Philippine Information Agency undersecretary na nagsabing walang brain cells ang asawang si Angel Locsin

589

“Kung matapang ka talaga kita tayo!”

Hinamon ni Neil Arce and Philippine Information Agency Undersecretary na si Mon Cualoping.

Ito ay matapos na tawaging “No brain cells” ni Cualoping ang aktres na si Angel Locsin.

Nag ugat ito sa naging appreciation post ng aktres sa kanyang Instagram noong September 8, 2021.

Bahagi ng caption ni Angel, “This cr1sis has made me realize that the world can work without politicians, businessmen, police, and even without actors like me.

But the world can never work without health workers. Again, thank you all that you do.”

Muling pinasalamatan at binigyang pugay ng aktres ang mga health workers na hanggang ngayon ay patuloy ang pakikipag laban sa pandemya.

Sa kabilang banda, tila minasama at niliteral ito ng Undersecretary ng Philippine Information Agency na si Mon Cualoping.

Tinawag niya kasing “No brain cells” ang multi awarded actress dahil sa naging appreciation post nito.

Sa kanyang official Facebook account, nagbahagi ng kanyang saloobin si Mon tungkol dito.

“Angel Locsin has no brain cells. Or a wrong appreciation of things,” bungad niya sa kanyang post.

Punto naman niya, paano daw mabubuhay ang mga tao kung wala ang mga nabanggit ni Angel. Nagbigay pa siya ng mga “examples” sa kanyang post.

Nakarating naman ito sa asawa ni Angel na si Neil Arce at hindi pinalagpas ang naging komento ni Mon.

Nirerespesto daw ni Neil ang kanyang opinyon pero hindi daw tama ang deretsahang komento nito sa kanyang asawa.

Hamon ni Neil, “You can message me here on Facebook kung matapang ka talaga kita tayo no w3apons no bodyguards lalake sa lalake…”

Sa ngayon, wala pa ulit sagot si Mon Cualoping.

Janus Del Prado, walang pagdadalawang isip na ibinunyag na binayaran ni Angel Locsin ang kanyang hospital bill na nagkakahalaga ng P150k

Real life Angel talaga ang aktres na si Angel Locsin.

Kilala ang Kapamilya star sa pagiging generous nito at isa na naman ang nag patunay ng kanyang totoong ugali.

Sa naging online interview ni Ogie Diaz kay Janus Del Prado sa YouTube channel ng talent manager, natanong ni Ogie kung paano maging kaibigan si Angel.

“Si Angel Locsin, paano makipag kaibigan ang isang Angel Locsin?” tanong ni Ogie kay Janus.

Agad naman sagot ng aktor, “Baka maiyak naman ako diba. Grabe yun, grabe yun si Gel. Alam mo, bagay na bagay sakanya yung pangalan niya. Sumakto duon yung mga magulang niya na pinangalanan siya nuon…”

Sa puntong ito, ibinahagi ni Janus kung paano siya tinulungan ni Angel noon nang magkasakit at maconfine sa ospital.

“Nuong nagka-tigdas ako nuong 2014, kakatapos na katatapos pa naman ng New Year, gulat ako kung paano niya nalaman. Pero tumawag kaagad siya, ‘Asang ospital ka? Pupuntahan kita.” pagbabahagi ni Janus.

Hindi man siya nabisita ni Angel noon dahil hindi pwede, ang aktres naman daw ang nagbayad ng buong hospital bill niya.

“Tapos ano, buong bill ko binayaran niya. Nasa mahigit… sorry ha, alam ko, ayaw nitong mga ito na nire-reveal nila yung mga tulong nila kasi very ano tong mga ito eh.

Pero, nasa mahigit 150k kasi tumagal din ako duon sa ospital ng ano, almost two weeks….”

Katulad ng inaasahan, hindi din ito ipinabulgar ni Angel noon. Tunay nga na anghel sa totoong buhay ang aktres!