Ogie Diaz, humingi ng sorry kay Marvin Agustin matapos niyang punahin ang tindang Cochinillo

111

Nag-sorry na si Ogie Diaz sa naging pahayag niya Iaban sa Cochinillo ni Marvin Agustin.

Kamakailan nga lamang ay nag-viraI ang komento ni Ogie. Tungkol sa mga rekIamo ng ilang bumili ng paninda ni Marvin noong holiday season.

Sinabi noon ni Ogie sa kanyang vlog na isoli umano nito ang pera ng mga nadany0s niyang customers noong Kapaskuhan. Madami kasi ang nadismaya sa orders nilang Cochinillo sa aktor.

May mga hindi nakarating on time ang mga orders nila. Mayroon namang nagsabing makunat o hilaw pa ang mga dumating sa kanila.

Inako naman ni Marvin ang kasalanan sa public apology na in-issue niya sa kanyang Instagram.

Ngunit kahit pa nanghingi na ng paumanhin si Marvin ay nagkomento pa rin si Ogie tungkol dito. Sinabi rin nito na hindi siya nasarapan sa cochinillo ni Marvin nang minsan niya itong matikman sa isang handaan. Kaya sa paghahanap niya ng lechon para sa kanyang birthday ay hindi umano ang kay Marvin ang oorderin niya.

Ngunit makalipas lang ang ilang araw ay nanghingi din ng kanyang sorry si Ogie kay Marvin. Ito ay nang magkausap daw sila online.

Very apologetic daw ang aktor kaya maging siya ay nanghingi din ng dispensa sa kanyang naging komento.

Ani Ogie, “Sabi ko sa kanya, ‘Uy, Marvin, sorry ha kung napasobra ako ng opinyon.’

“Sabi niya, ‘Valid naman ’yung opinyon mo. We took it as constructive cr1tic1sm. So, wala ’yun, Ogs. Mas pagbubutihin pa namin next time. Sana matikman mo ’yong [bagong] cochinillo namin sa susunod kasi mas pabo-bon66ahin pa namin. Sobra ’tong year na ’to. Hindi namin ’to makakalimutan,’” dagdag pa nito.