Ogie Diaz may matinding pahayag kay Jasmine Curtis dahil sa akusasyon ng aktres na ninakaw ng delivery rider ang kanyang order

364

Nagbigay ng kanyang reaksyon si Ogie Diaz hinggil sa naging pahayag ni Jasmine Curtis. Tungkol sa delivery rider na nag-handle ng kanyang order.

Kamakailan lang ay binatikos ng maraming netizens si Jasmine Curtis.

Ito ay dahil pinost niya ang litrato ng Grab driver at inakusahan pang ninakaw ang in-order niyang food nang hindi dumating sa oras na dapat i-deliver sa kanya.

Kahit blurred ang photo ng Grab driver, hindi pa rin daw maganda ang ginawa ni Jasmine lalo’t marami ang nakabasa sa tweet niyang “Hey @grabfoodph, your rider stole my order. He won’t answer texts or calls.”

Binura na ni Jasmine ang post niyang iyon. Ito ay matapos may mag-react na netizens na baka naman hindi ninakaw, baka, nagkaproblema lang ang driver. Bigyan naman sana raw ng benefit of the doubt.

Nagbigay naman ng paliwanag ang aktres kung bakit tinanggal na niya ang kanyang post.

Samantala, nagbigay naman ng kanyang komento si Ogie Diaz ukol dito.

“Hindi ba puwedeng nagmomotor ‘yon, Jasmine? Alam mo bang mas madidisgrasya ‘yun habang nagmomotor dahil kailangan kang sagutin? Ikaw kaya mag-motor,” paglalahad ni Ogie.

Nabanggit rin niya ang sinabi ng aktor na si Lester Llansang na isa ring delivery rider na minsan ay dapat ring intindijin ng customers kung saan nanggagaling ang mga delivery rider.

Saad pa ni Ogie, sa tingin niya ay hindi naman siguro ipagpapalit ng rider sa maliit na halaga ang pangalan at trabaho.

“Buti naisip mong i-blur ‘yung mukha nung driver. Next time, konting empathy, konting compassion,” payo naman ni Ogie.

Aminado naman si Jasmine na may pagkakamli din siya sa nagawa niyang ito.

Jasmine Curtis, may nakakatawang reaksyon nang tanungin ng netizens kung anak niya ba si Anne Curtis

Napagkamalan ka na din bang nanay ng iyong kapatid?

Hindi alam ni Jasmin Curtis kung anong magiging reaksyon niya sa naging katanungan sa kanya ng isang netizen.

Sa isang Tiktok video na inupload ni Jasmin, hindi maipinga ang kanyang mukha nang mabasa ang isang tanong.

“Diba po anak niyo si ms. Anne Curtis?” tanong ng isang netizen.

Sa reaction video na ginawa ni Jasmin, nag iiyak iyakan niyang sinabi na mas bata siya ng 10 taon kay Anne.

“10 years akong mas bata sa kanya,” kunyareng naiiyak na sinabi ni Jasmin.

Iba’t-ibang reaksyon naman ang pinakita niya sa una bago niya sabihin ito. Hindi alam ni Jasmin kung ano ba ang magiging reaksyon niya.

Si Anne Curtis ay ang nakatatandang kapatid ni Jasmin.

Ang It’s Showtime host na si Anne ay 36 years old na at isinilang noong February 17, 1985.

Habang si Jasmin naman ay 27 years old pa lamang at isinilang noong April 6, 1994.

Ang ate niya na si Anne ay may sarili nang pamilya sa asawa na si Erwan Heussaff at ang kanilang anak na si Dahlia Amelie.

Marami naman ang natawa nang mapagkamalang nanay ni Anne ang nakababatang kapatid na si Jasmin.

Matagal nang kilala pareho ang dalawa bilang magkapatid na parehas na sa showbiz industry.

Samantala, nakatanggap ng iba’t-ibang reaksyon si Jasmin sa kanyang Tiktok video na ito.

Karamihan sa kanila ay natawa sa naging tanong ng netizen dahil kung titignan, imposibleng anak ni Jasmin ang kanyang ate dahil firm na firm pa ang kutis ng dalaga.

Napagkamalan ka na din bang nanay ng kapatid mo? Anong kwentong “akala” ang maibabahagi mo?