Online pre-registration para sa Philippine Identification System, Mag υυмριѕa na sa 2021

342

Sisimulan na ng Philippine Statistics Authory (PSA) sa susunod na taon ang online pre-registration para sa Philippine Identification System (PhilSys) o National ID.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni PSA Deputy National Statistician Assistant Secretary Rosalinda Bautista na hindi na sila magbabahay-bahay para kolektahin ang demographic information ng bawat Pilipino.

Aniya, nagsagawa lamang sila ng pagbabahay-bahay sa unang hakbang ng registration dahil karamihan sa mga probinsyang inuna nila ay may mahina o walang access sa internet.

“So kaya inuna yung low-income kasi sila yung walang access sa internet. Kapag naman nairehistro mo na iyong mga low-income families ay pwede nang yung mga tao o families na would have an access to the internet, pwede na ang online pre-registration.” ani Bautista.

Ayon pa kay Bautista, mas mapapabilis ng online pre-registration ang pagproseso sa pagkuha ng National ID.

“So pagdating mo sa registration center, kumbaga ipu-pull lang nila yung record mo, iko-confirm nila iyon bago i-capture ang iyong biometrics.” Dagdag pa ni bautista

Nabatid na halos anim na milyong Pilipino na mula sa mga low-income households ang nakapagparehistro mula sa target na siyam na milyon ng PSA bago matapos ang taon.

Read also:

Ayuda Aprubado na ni Tatay Digong ρara aρektado ng ECQ sa NCR, Rizal, Bulacan, Cavite at Laguna.

𝙸𝚝𝚘’𝚢 𝚙𝚊𝚑𝚊𝚢𝚊𝚐 𝚗𝚊 𝚙𝚒𝚗𝚘𝚜𝚝 𝚜𝚊 𝚏𝚊𝚌𝚎𝚋𝚘𝚘𝚔 𝚗𝚒 𝚂𝚎𝚗𝚊𝚝𝚘𝚛 𝙱𝚘𝚗𝚐 𝙶𝚘, 𝙽𝚊𝚐𝚙𝚊𝚙𝚊𝚜𝚊𝚕𝚊𝚖𝚊𝚝 𝚊𝚔𝚘 𝚔𝚊𝚢 𝙿𝚊𝚗𝚐𝚞𝚕𝚘𝚗𝚐 𝙳𝚞𝚝𝚎𝚛𝚝𝚎 𝚜𝚊 𝚔𝚊𝚗𝚢𝚊𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚐𝚝𝚞𝚐𝚘𝚗 𝚜𝚊 𝚊𝚝𝚒𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚗𝚊𝚠𝚊𝚐𝚊𝚗 𝚗𝚊 𝚖𝚊𝚐𝚋𝚒𝚐𝚊𝚢 𝚗𝚐 𝚊𝚐𝚊𝚛𝚊𝚗𝚐 𝚊𝚢𝚞𝚍𝚊 𝚙𝚊𝚛𝚊 𝚜𝚊 𝚖𝚐𝚊 𝚖𝚊𝚑𝚒𝚑𝚒𝚛𝚊𝚙 𝚗𝚊 𝚊𝚙𝚎𝚔𝚝𝚊𝚍𝚘 𝚗𝚐 𝙴𝙲𝚀 𝚜𝚊 𝙽𝙲𝚁, 𝚁𝚒𝚣𝚊𝚕, 𝙱𝚞𝚕𝚊𝚌𝚊𝚗, 𝙲𝚊𝚟𝚒𝚝𝚎 𝚊𝚝 𝙻𝚊𝚐𝚞𝚗𝚊.

Patunay ito ng kanyang patuloy na pagmamalasakit at palaging pagdinig sa hinaing ng taumbayan. Dahil dito, around 22.9 milyong mahihirap na katao na bumubuo ng 80 porsyento ng populasyon ng “NCR plus” na naka-ECQ ngayon ang mabibigyan ng ayuda.

Habang limitado ang galaw ng mga tao para maiwasan ang ραgкαℓαt ng sαкιt, limitado rin ang kita at pagkain ng kanilang pamilya. Huwag na nating hayaan na madagdagan pa ang bilang ng nagugutom.

Aprubado na ito ng Pangulo kung kaya’t dapat na bilisan na natin ang pagbigay ng ayuda para makarating agad ang tulong ng gobyerno sa mga dapat makatanggap nito. Sa tulong din ng mga LGUs, dapat mailatag na ang proseso kung paano ito maipapamahagi sa bawat kwalipikadong indibidwal sa paraang maayos, mabilis, at walang bahid ng pulitika o korapsyon.

Sa mga kapwa kong Pilipino, konting tiis lang po. Ginagawa ng gobyerno ang lahat para mapagaan ang hirap na pinapasan ng buong sambayanan. Magbayanihan po tayo para malampasan ang mga pagsubok na ito.