Online Sensation na si Namy Menang o mas nakilala bilang UwU girl namaalam na sa edad na 25

744

Sa panahon ngayon hindi masasabi kung hanggang kailan ka pa mananatili sa mundong ibabaw. Kaya nga sumikat ang kasabihan na “enjoy life to the fullest”

At tila ito ang ginawa ng viral TikToker at online sensation na si “Uwu girl”. Biglaan ang naging pagpanaw ni “Uwu girl” o Namy Menang ngayong Linggo.

Ayon sa inisyal na ulat, heart failure ang sanhi ng pamamaalam ng 25 anyos na online sensation. Mayroon daw kasing sakit sa puso ang Tiktokerist na matagal niya nang iniinda.

Nakilala si Namy sa mga video niya sa social media kung saan sa bandang huli ay lagi niyang sinasabi ang katagang “Uwu”.

At doon na nga siya nabansagang “Uwu girl”. Marami siyang napasaya sa kanyang mga nakakatuwang video.

Agad ngang nagviral ang mga videos na ginagawa niya at nakahakot ng madaming followers. Maraming views din palagi ang inaani ng kanyang mga video.

Kaya naman bumuhos ang pakikiramay ng mga netizens sa napakalungkot na balitang ito.

Saad nga ng isang netizen, “Napaka dami mong taong napasaya lalo na kami ni chael. as what i heard 25 years mo daw na nilaban yung sakjt mo (may butas sa heart), hoping wala ka nang suffering na marandam dyan heaven. despite of your condition you made us happy on your videos. thank you so much and no one can replace your uwu”

Pagbabahagi naman ni Rome Gulla “Nakakabigla naman yung nalaman ko Kausap lang kita kahapon rest in p3ace po Ms Uwu girl No more pain na. Salamat sa pag papasaya samin”

Nakilala si Nemy dahil sa kakaiba niyang pagbigkas ng “Uwu” na siyang kinagigiliwan ng mga netizen.

Sikat Na Composer Ng Isang Hit Na OPM Song, Pum4naw Na

Pum4naw na ang singer-songwriter na nag-composed ng kilalang OPM song na ‘Pusong Bato’ na si Renee “Alon” dela Rosa nitong Miyerkules lamang, Setyembre 15, 2021 sa edad na 61.

Ito ay kinumpirma ng kaniyang anak na babae na si Justine Dela Rosa sa isang Facebook post.

Saad ni Justine,

“Wala na po si Papuy Renee Alon.”

Sa isang text message na ipinadala ni Justine sa Inquirer, sinabi nito na n4m4tay ang kaniyang ama na si Renee sa Bernardino General Hospital bandang 6 ng umaga. Nag-negatibo naman ang test ni Renee para sa C0VID-19.

 

Hindi naman binanggit ni Justine ang sanhi ng pagk4m4tay ng kaniyang ama ngunit sinabi niya na nahirapan sila na maghanap ng bakanteng hospital room para kay Renee.

Ayon kay Justine, mahigit 40 na ospital ang kanilang pinuntahan ngunit kahit isa sa mga ito ay hindi man lamang nabigyan ang kaniyang ama ng first aid, dextrose, at oxygen tank. Wala din daw na nag-admit na ospital kay Renee.

 

Ani Justine,

“Grabe po, 40+ na hospital po ang pinuntahan namin at maski isa po wala man lang po nagbigay ng first aid, dextrose at yung oxygen tank po.”

Dagdag pa niya,

“Wala po nag admit po na ospital sa amin.”

Ayon kay Justine, ipagdiriwang na sana ng kaniyang ama ang ika-62 kaarawan nito sa Setyembre 24.

Samantala, isang kamag-anak din ang naglabas ng saloobin tungkol sa pagtanggi ng mga ospital sa singer-songwriter na dahilan ng tuluyan nitonbg p4gkawala.

Saad ni Nadsla dela Rosa sa kaniyang Facebook post,

“In behalf of delarosa family grabe ginawa ng mga hayop na doctor at hospitals na tumanggi sa tito ko Renee Alon grabe grabe!

 

“In short napaka worst almost 48hrs nasa byahe at ambulance? Almost 30+hospitals napuntahan Walang kahit first aid sa lahat ?

“Given na yung punuan pero yung tatanggihan na parang aso lang at kung mag judge na mamam4tay na? Seryoso!!!??”

Bumuhos naman ang pakikiramay ng mga kasamahan ni Renee sa showbiz at mga netizens sa naulilang pamilya ng singer.