Pang-aasar ni Derek Ramsay sa asawang si Ellen Adarna habang natutulog at naka-nganga viral ngayon!

232

Paano nga ba matulog ang isang Ellen Adarna?

Hindi maitatanggi na isa si Ellen sa mga nag gagandahang artista sa industriya ng showbiz. Bilang isang fan, napaisip ka na din ba kung ano ang itsura ng iyong idolo habang natutulog?

Kung isa ka sa mga tagahanga ng aktres na curious din tungkol dito, ito na ang kasagutan na mula mismo sa kanyang asawa na si Derek Ramsay.

2022 na pero hindi pa din tapos at nagbago ang mga asaran ng mag-asawang Derek at Ellen sa social media. Hindi pa man sila kasal, makikita na ang kanilang mga pranks at pang iinis sa isa’t-isa sa kanilang social media.

Ngayong unang buwan ng taong 2022, may entry na agad ang aktor sa pang ookray sa kanyang misis!

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ng aktor kung ano ang istura ni Ellen kapag natutulog.

Sa nasabing video, makikitang masarap at mahimbing ang tulog ng mommy ni Elias sa isang sofa. Nakakumot pa ang aktres kaya halatang masarap ang pahinga nito.

Pero ang kanyang mister, naisipang kuhaan siya ng video na nakanganga habang natutulog. naalimpungatan naman si Ellen at tumingin lang sa asawa.

“Don’t k1ll me!!!!” caption ni Derek.

Makikita naman ang komento ni Ellen, “Why are u so obsessed with me”

Agad naman itong ikinatuwa ng tagahanga ng mag-asawa.