Piolo Pascual, nagsalita na tungkol sa namamagitan sa kanila ng aktres na Shaina Magdayao matapos magviral ang larawan online

187

‘What you see is what you get’

Ito ang pahayag ni Piolo Pascual ukol sa viral picture nila ni Shaina Magdayao. Kung saan namataan na kakaiba ang sweetness nila sa isa’t-isa.

Tila beach escapade ng rumoured couple ang makikita sa mga nasabing larawan. Kasama din nila ng mga panahon na yun ang mag-kasintahang sina Jodi Sta Maria at Raymart Santiago.

May photo na magkakasama silang apat at isang hindi identified guy at meron namang nasa yate sina Piolo at Shaina habang nagre-relax at nakahiga si Piolo sa hita ng aktres habang nakahiga sa dibdib ng aktor si Shaina.

Sina Raymart and Jodi hindi na nakakagulat dahil common knowledge na ang relasyon nila sa publiko.

Pero sila Shaina at Piolo ay ilang taon na din na nalilink sa isa’t-isa. Pero magpasahanggang ngayon ay wala pa din silang itinatanggi o inaamin kung ano nga ba ang estado nila.

2017 ng aminin ni Piolo noon na exclusively dating na sila ni Shaina.

At nang matanong naman siya tungkol sa mga viral photos nila ni Shaina last year. Tanging sagot lamang ng aktor ay ‘things getting out of hand’

At ‘what you see is what you get’, aniya pa “let’s those things d1e down”. Dahil aniya ilang taon na din naman nakikita ng publiko na magkasama sila ni Shaina.

Nagbibigay noon ng hint si Piolo tungkol kay Shaina pero si Shaina ay consistent na sinasabi na wala talaga sila ng aktor. Pero noon ‘yun, before pandemic.

Panoorin dito ang pahayag ni Piolo: