Pokwang, Naging Emosyonal Habang Inaalala Ang Pagkawala Ng Kaniyang Limang Taong Gulang Na Anak

Hindi napigilan ng actress-comedian na si Pokwang ang maging emosyonal habang inaalala ang pagk4m4tay ng kaniyang anak na lalaki na si Shin....

449
Hindi napigilan ng actress-comedian na si Pokwang ang maging emosyonal habang inaalala ang pagk4m4tay ng kaniyang anak na lalaki na si Shin.

Si Pokwang ay nagtatrabaho pa noong mga panahon na iyon bilang isang OFW at sa kasamaang palad ay hindi siya nakauwi sa libing ng kaniyang 5 taong gulang na anak kahit sa mga huling sandali nito.

Sa panayam sa kaniya ni Ogie Diaz sa YouTube channel nito, nabanggit ng talent manager na hanggang ngayon ay pinaglalaanan pa din ni Pokwang ng kwarto ang kaniyang yumaong anak sa kanilang bahay kahit hindi na niya ito kasama pa.

Ani Pokwang,

“Kahit saan kami lumipat na bahay lagi siyang may sariling kwarto.”

Sinabi niya na nagkaroon ng brain tumor ang kaniyang anak at noong makausap niya anak sa mismong kaarawan nito habang ito ay nabubuhay pa, sinabi nito sa kaniya na masakit ang kaniyang ulo.

“Birthday ko kausap ko siya, sariwa pa ‘yung boses niya rito… sabi lang niya ‘mama may ano, may mas4kit. ulo,ulo mas4kit’,” pagbabahagi ng aktres habang pinipigilang maging emosyonal.

Noon ay nakapag-ipon na si Pokwang ng sapat na pera para sa operasyon ng kanyang anak ngunit sa kasamaang-palad, ang perang ito ay ginamit niya na lamang upang mabigyan ng maayos na libing ang kaniyang anak.

Ngunit ang mas masakit para kay Pokwang sa pangyayari ay ang hindi siya nakauwi sa Pilipinas at hindi nasamahan ang kaniyang mahal na anak sa huling sandali nito.

Saad ng komedyante,

“Hindi ako nakauwi kasi ang sama-sama ng loob ko kasi gustong-gusto ko siyang masamahan sa huling oras niya, kasi nga sabi ng kapatid ko tinatawag ‘yung pangalan ko.”

Ipinaliwanag ni Pokwang na hindi pa siya isang artista noong mga panahon na iyon at siya ay walang sapat na pera upang makabalik sa Pilipinas.

Gayunpaman, kinakausap pa din ni Pokwang hanggang ngayon ang larawan ng kaniyang anak at at madalas pa rin niyang napapanaginipan ito na nasa maayos na kalagayan.