Rico Blanco at Maris Racal, hindi nga ba handℓang ang 25 year age gaρ?

3770

Palaisipan pa din sa mga netizens ang namamagitan sa aktres na si Maris Racal at ang singer, song writer na si Rico Blanco matapos ibahagi ni Maris ang napaka-sweet na mensahe niya sa kaarawan ni Rico noong Marso na may kasamang video nilang dalawa habang kinakanta ang Brighter Than Sunshine ng Aqualung.

Kapansin pansin sa video na may kilig sa mata ng dalawa at sobrang tamis din ng kanilang ngiti. Nagreply naman dito si Rico na “hahaha love youu!!!” na may flamingo na emoji.

Madaming kinilig sa naturang post ni Maris, hindi lang ang mga taga hanga nila kundi pati na din ang mga celebrities gaya na lamang ni Alex Gonzaga, Maja Salvador, Julie Anne San Jose. Sue Ramirez, Bella Padilla at madami pang iba.

Kahit malaki ang agwat ng dalawa ay sinuportahan naman sila ng kanilang mga taga hanga dahil pareho din naman din single. 25 taon ang kanilang age gap pero ayon sa mga netizens, ‘age doesnt matter at love has no boundaries.

“Alam mo yung feeling na crush ni Maris si Sir Rico noon pa. Hindi pa artista noon si Maris. Tapos ngayon eto na !!! di naman masamang umasa na sana….. hahaha basta ako kung san masaya si Maris support lang.”

“It’s so obvious naman na may something sa kanila, you can see it from their body language. Kakilig.”

Bagay kayo rico and maris age is just a number what’s important you love each other.”

“Love is in the air. Those smiles can’t hide it, everyone feels and sees the chemistry/connection between the two of you!”

“Emoji ni rico blanco hahahahhahah. The pink Flamingo represents serenity and a contented life (you could say they are “tickled pink”). Extending this, Flamingo can represent our social nature and desire to create community ties we can trust. Being social and part of something where we can express ourselves is a natural balance to our professional lives.”

Naging malapit ang dalawa noong mag-collaborate sila ng kantang Abot Langit noong 2019 na pareho nilang sinulat at inareglo.

Read also:

Vicki Belo, Ibinυnyag Kυng Paano Pinatawad Si Hayden Sa Kabila Ng Kσntrσbersyal Na Video Nito Dati!

Bilang isang celebrity, kasama na sa pagsikat ang pagharap sa mga kontrobersya. Dito mo rin makikita kung gaano katatag ang isang tao. Ngunit para sa celebrity doctor na si Hayden Kho, kahit anong kontrobersya ay kakayanin basta’t suportado ka ng iyong mga mahal sa buhay. Kamakailan lang ay nagbalik-tanaw si Hayden sa isa sa mga pinakamadilim na bahagi ng buhay niya.

Taong 2008 nang kumalat ang scandal ni Hayden Kho kasama ang aktres na si Katrina Halili. Noong mga panahong iyon ay kapareho na rin ni Hayden si Dra. Vicki Belo. Sa kanyang nakaraang interview, aminado si Hayden na dumanas siya ng depresyon dahil sa kontrobersyang ito.

“Walang words to describe it. It’s a mixture of definitely there’s a lot of humiliation. There’s a lot of fear and there’s a feeling of desperation, na ‘what am I gonna do to fix this?’ When your dark life is exposed to the light, medyo nakakatakot talaga,” pahayag ni Hayden, na aminadong nalugmok siya noong mga panahong iyon.

Ngunit sa kabila ng lahat ng nangyari, sinuportahan pa rin siya ng kanyang partner na si Dra. Vicki Belo. Matapos maghiwalay ng ilang buwan, mas pinili raw ni Dra. Belo na bigyan muli si Hayden ng chance. Hinarap rin nila ang kontrobersya nang magkasama, lalo pa’t nang pagtangkaan ni Hayden ang kanyang buhay.

“I was very sure that Hayden was very kind. There was no problem with me. I know this guy is capable of so much, kaya lang he got the wrong breaks when he was young and he couldn’t control it. I know God will help him get it together but until that time, naga-alalay lang naman ako.”

Ilang taon rin ang lumipas at ipinag-isang dibdib ang dalawa sa isang bonggang kasalan sa Paris. Ayon kay Hayden, marami rin siyang natutunan sa kanyang karanasan. Dahil dito, mas napalapit rin daw siya sa kanyang asawa at sa Diyos. Biniyayaan rin sila ng kanilang unica hija na si Scarlet Snow.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag follow sa aming Facebook page.