Robin Padilla, nag-alala sa kalagayan ngayon ng kaibigang si Kris Aquino at may pakiusap sa mga bashers

169

Nagaalala ngayon si Robin Padilla sa kalusugan ng kaibigan niyang si Kris Aquino.

Nakiusap si Robin sa mga Pinoy na tigilan na ang pambabatikos kay Kris. Na nakikipaglaban ngayon sa iba’t ibang uri ng sakit.

Kaya naman isang open letter ang ibinagi ni Binoe sa kanyang social media account.

Aniya, “Mga mahal kong kababayan, ako po ay nag aalala kay ms Kris Aquino bilang isang kaibigan, katrabaho at isang Pilipino.

“Nais ko po makiusap sa mga patuloy na bumabanat kay ms Aquino na magpaka makatao muna po kayo.

“Hindi naman po tayo bulag para makita na May dinaramdam po siya at sa kasalukuyan ay dumaraan sa gamotan.

“Bigyan po natin ng kapayapaan at tamang pansin lalo ng moral support ang Taong May karamdaman.

“Ano man po ang ating religion o ang ating political affiliations ay ipagpanalangin po natin ang kanyang kalusugan.

“In shaa Allah.”

Maraming netizens naman ang sumang ayon sa pahayag na ito ni Binoe.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

“I totally agree sir Robin Padilla I also prayed for ma’am Kris Aquino the other day too. Despite me being bashed by many for doing so, I will stick to my principles.

“I believe in humanity and kindness to our fellow human beings. Whatever political arguments or storms may come our way, we are all human and God is our judge not man. Thank you for your beliefs sir and standing true to them. God bless you.”

“May Kris get better soon. She needs to be there for her children and family too.”