Rudy Baldwin, Naglabas Na Ng Kaniyang Predictions Para Sa Taong 2022

Tatlong salita ang ginamit ng Pinoy psychic na si Rudy Baldwin para ilarawan ang kaniyang predictions para sa taong 2022. Ayon sa kaniya, an...

567
Tatlong salita ang ginamit ng Pinoy psychic na si Rudy Baldwin para ilarawan ang kaniyang predictions para sa taong 2022. Ayon sa kaniya, ang taong 2022 ay ang taon ng disaster, success, at d3pression.

Ang kaniyang pangitan sa ap0y at tubig ay isang paalala na dapat tayong mag-ingat sa posibilidad ng mga aksid3nte sa sun0g at iba pang mga sakun4. Nagbigay din siya ng ilang mga babala tungkol sa pagkawasak ng ating kalikasan na hahantong sa mga kalamidad.

Alamin natin ang mga pangitain ni Rudy Baldwin ngayong 2022.

Mga sakuna at aksid3nte

Ayon kay Rudy, ang hamon ng kalikasan na magdadala ng matinding sakuna ay isa lamang sa mga nakikita ni Rudy sa kaniyang vision.

Aniya,

“Ang taon ng 2022 ay taon ng disaster, na kung saan ang hamon ng kalikasan ay mas malakas. Kumbaga mas makapangyarihan sa pagkakataon na hindi mo inaasahan.”

Dagdag niya pa,

“Nakikita ko ang taong 2022 na halos ang pangyayari ay puro lindol…lindol na paulit-ulit. Pagput0k ng bulkan ay nakita ko, lalo na sa ibang bansa.”

Maliban pa diyan, mayroon din daw malalakas na bagyo ang papasok sa ating bansa ngayong taong 2022.

Ani Rudy,

“May dalawang bagyo na papasok sa bansa na maihahalintulad ko sa Bagyong Yolanda o higit pa.”

Nakikita din daw niya sa kaniyang vision na isa siya sa mga taong maaaksidente dahil sa lakas na dulot ng isang bagyo.

Pahayag ni Rudy,

“Basta isang bagyo ito na isa ako sa mapapahamak. Hindi lang po kayo, kung hindi isa ako.

“Nakita ko ‘yung bandang braso ko nasabit sa isang kahoy na may pako.”

Ilan pa sa mga sakuna na nabanggit ni Rudy na aniya ay nakita niya na mangyayari sa 2022 ay ang aksid3nte sa karagatan at sa himpapawid, pagguho ng lupa, mga aksidente na dulot ng kalikasan, at mga sun0g.

Aniya,

“Hindi ko naman ito ipinanalangin na mangyari, pero siyempre tulungan ninyo ako manalangin. Kasi hindi ko rin naman kaya mag-isa po ito.”

Depr3syon

Nilinaw ni Rudy na bagamat matagumpay ang taong 2022 pagdating sa usapin ng pera, ito din ang taon ng pagtaas ng bilang ng mga taong nakakaranas ng depr3ssion na posibleng dahilan para tumaas ang kaso ng su1cide.

Saad ni Rudy,

“Hindi ko sinabi na ang taong 2022 ay masamang taon. May success eh, maganda ang pasok ng pera, pero ‘yun nga lang, siya namang dami ‘yung taong nade-depress.”

Dagdag niya,

“So, hindi natin malalaman saan tayo lulugar eh. ‘Pag walang pera, nade-depress. ‘Pag may pera, nade-depress.”

Eleksyon

Samantala, sa usaping eleksyon naman, hindi nagbigay si Rudy kung sino ang mga posibleng mananalo sa nalalapit na eleksyon ngayong taong 2022 ngunit aniya ay nakikita na isang magulong eleksyon ang mangyayari.

Ilan nga sa naging prediksyon ni Rudy ay ang mga kr1men, aksidente, at biglaang pagk4m4tay ng mga kandidato.

May nakikita din daw siya na mga masasaw1 dahil sa s4kit o aksid3nte. Mayroon din daw kr1men na mangyayari sa mga reporter at kapulisan.

Aniya,

“May nakita akong nagkas4kitan. ‘Yung isa naman, inat4ke sa s4kit. Kailangan siguro ng mga kapulisan ng mahigpit na pagbabantay.”

Sabi pa ni Rudy,

“Maging maingat lamang kasi sa vision ko, may nakita po akong mga kandidato po na biglaan po ‘yung pagkasawi nila, bago mag-eleksyon o darating sa mismong araw ng eleksyon.”

Showbiz

Tungkol naman sa industriya ng showbiz, magkahalong masaya at malungkot ang prediskyon ni Rudy.

Ayon sa kaniya, magkakaroon umano ng unexpected weddings at mga oportunidad para sa ilang artista sa Hollywood o sa ibang Asian country.

Pahayag ni Rudy,

“Maraming artista na makakapunta sa ibang bansa, parang niyaya sila para gumawa ng pelikula.”

Ngunit, sinabi din ni Rudy na may ilang pagkasaw1 ng vlogger at artista ang maaaring mangyari sa 2022. Dagdag niya pa, mayroon daw na baguhan at kilalang artista na babaw1an ng buhay dahil sa s4kit o aksidente.

Aniya,

“Meron isang kilalang tao pa…mga sa social media, sa showbiz…ikinakalungkot ko kasi sa vision ko, nasaw1 po siya. Hindi po niya kinaya ang depression.

“Itong pagkasaw1 niya is tulog (siya), pero alam po ng pamilya niya na stressed siya, depressed siya.”

Mayroon din daw celebrity na maaaring masun0gan ngayong 2022.

Pand3miya

Ayon kay Rudy, hindi pa umano matatapos ang pand3miya ngayong taon dahil malaki ang posibilidad na muling tumaas ang kaso ng pand3miya sa bansa.

Ani Rudy,

“Sa taon na darating at sa mga sumusunod pang taon, hindi pa matatapos talaga ‘yung pandemya, to be honest.”

Dagdag niya pa,

“Ako, direstahin ko na kayo, ‘pag narinig n’yo sa balita na bumababa na siya, ayan na naman kayo, siksikan to the max, umpukan na naman. Wala na lahat. Wala na. Tataas na naman po tayo.”

Ekonomiya at mga negosyo

Ayon sa Pinoy psychic, ngayong taon daw ay unti-unti ng makakabawi ang ating bansa kaya’t nakikita niya na maganda ang magiging takbo ngayon ng ating ekonomiya.

Ngunit siya ay nagbigay ng babala sa mga negosyo na mayroong kinalaman sa electronics at pagkain dahil maaari daw itong makaranas ng pagnanak4w o sun0g.