Ruru Madrid, pinatunayan ang kabaitan sa kanyang kaibigan na si Buboy Villar ng i-prank siya nito na manghihiram ng pera

483

Ika nga nila, pagdating sa pera ay dito makikilala kung sino ang iyong tunay na kaibigan.

At ito ang ipinamalas ng Kapuso Actor na si Ruru Madrid sa kanyang kaibigan at kumpareng si Buboy Villar.

Sa “utang prank” ni Buboy ay sinubukan niyang manghiram ng pera sa kanyang mga kaibigan sa industriya.

At isa nga sa tinawagan niya ay si Ruru. Sa kanyang video ay sinubukan ni Buboy na mangutang kay Ruru ng 250,000 pesos.

Aniya pangbayad daw niya sa sasakyan na kanyang bibili at pangdagdag sa panggastos para sa pangangailangan ng kanyang mga anak.

Nagpanggap na umiiyak si Buboy sa video para mas lalo pang magmukhang totoo ang prank. Noong una ay tinawanan lamang siya ni Ruru pero nagmakaawa si Buboy at sinabing nagsabay-sabay daw ang kanyang bayarin.

Sinabi naman ni Ruru na itatanong niya muna sa kanyang mga magulang pero nagbago ang isip nito sabay tanong kung ano ang account number ni Buboy at bibigyan siya ng 150,000 pesos na hindi na niya kailangan bayaran pa. Dagdag pa ni Ruru ay tulong na din niya yun para sa dalawang anak ni Buboy.

“Bibigyan kita ng 150, pero bigay ko na yun, hindi na utang yun,” saad ni Ruru

Nagulat si Buboy at lalo pa niyang ginalingan ang pag-iyak na sineryoso naman ng Kapuso hunk.

“Siyempre, mga anak mo inaanak ko rin yun. Ikaw kumpare kita, tagal na nating magkaibigan,” sabi naman ni Ruru sa kanya.

Sinabi na ni Buboy na prank lang iyun, pero baka puwede na raw totohanin na yung ibibigay na 150 thousand pesos.

Ayon naman kay Ruru ay nire-ready na sana niya ang cheque niya para ibigay sa kaibigan.

Narito ang video:

Kamusta Na Nga Ba Ang Buhay Ni Buboy Villar Bilang Single Dad?

Si Buboy Villar ay isa sa mga kilalang dating child star noon sa Philippine showbiz industry. Una siyang nakilala noong siya ay mag-audition sa Little Big Star. Simula noon ay nagtuloy tuloy ang kaniyang career sa showbiz.

Siya ay naging kabilang sa mga cast ng teleseryeng Dyesebel noong 2008 at gumanap sa ilang pelikula katulad ng Supahpapalicious, Shake, Rattle & Roll X, Ang Panday, Zaido: Pulis Pangkalawakan, Darna, at Panday Kids.

Hindi maipagkakaila na isa siya sa mga mahuhusay na artista sa mundo ng showbiz. Gayunpaman, bukod sa pagiging isang magaling na aktor, hinahangaan din si Buboy dahil sa pagiging mabuti at mapagmahal nitong ama sa kaniyang dalawang anak.

Kahit pa man naging ama sa murang edad, sinisigurado pa din ng dating child star na si Buboy na masuportahan at matugunan ang mga pangangailangan ng kaniyang dalawang anak.

Maliban nga sa kaniyang pag-aartista, pinasok na din ni Buboy ang mundo ng pagiging YouTube vlogger. Siya ay mayroon ding negosyo, ito ay ang kaniyang paresan na tinawag niyang Paresan ni Bok.

Inamin ni Buboy na malaking tulong ang kinikita niya sa kaniyang paresan dahil dito siya nakakakuha ng pandagdag suporta sa pangangailangan ng kaniyang mga anak lalo na ngayong madalang lamang ang mga projects na natatanggap niya dahil sa pand3miya.

Sa isang social media post, inihayag ni Buboy kung gaano siya ka-determinado na maibigay ang mga pangangailangan ng kaniyang dalawang anak.

Pinasalamatan din niya ang lahat ng mga sumusuporta sa kaniyang munting negosyo.

Saad ni Buboy sa kaniyang Instagram post,

“Maraming salamat sa mga nag support sa #ParesanNiBok eto ah kahit ano pa man pasukin mo makakaya mo bastat sipag at tyaga lang hindi na kasali dito kung mataas ka man o mababa bastat parehas tayo tao at kaylangan natin mabuhay sa pang araw araw . Alam kong hindi lang eto ang kaya ko”