Ryan Bang, tapat na inaming sumama ang kanyang loob sa kanyang ina ng malaman niyang dishwasher ito!

158

Ibinahagi ni Ryan Bang ang dahilan ng pagsama ng loob niya sa kanyang ina noong namamalagi pa si sa Korea.

Sa naging panayam ng TV host actor kay Ogie Diaz. Ibinahagi niya ang hirap na pinagdaan ng kanyang pamilya noon sa Korea.

Aniya Ryan hindi pa daw niya naikekwento kahit saan mang interview ang mga ibinahagi niya sa vlog ni Ogie.

At ang isang pangyayari nga na ito ay nang sumama ang loob niya sa kanyang ina. Ang dahilan ay nang malamang niyang namasukan ito bilang isang dishwasher.

Hindi dahil sa ikinakahiya niya ang naging trabaho ng ina ngunit dahil namasukan ito. Sa pag-mamay aring restaurant ng kanyang kaklase.

“Naalala ko elementary ako, bago bukas na restaurant, punta kami. Nakita ko mommy ko naghuhugas ng pinggan,” pagbabahagi ni Ryan.

Ayon pa nga sa aktor ay hindi niya alam ng mga panahon na iyon na nagtatrabaho pala doon ang kanyang nanay.

Hindi rin naman daw umano siya nakita nito nang magpunta sila sa nasabing restaurant.

“Hindi ko binati, umuwi na ‘ko, nahihiya ako.” Napahiya talaga ako… nahihiya ako noong panahon na ‘yon kaya napakasama kong tao,” pag-amin ni Ryan.

“Mommy, bakit sa lahat ng restaurant sa kaibigan ko pa? “Kaya nung umuwi siya nagagalit ako, bata kasi ako (noon) ‘di pa ako matured,” paliwanag pa niya.

Naikwento din ni Ryan na kailanma’y hindi siya nangutang sa sinoman, mapa-artista man ito o kakilala lamang

Ang pagkalubog daw kasi sa utang noon ng kanyang ama ang isa sa dahilan kung bakit sila naghirap sa Korea.

Kaya tumatak sa isip niya na hindi mangutang upang hindi na maulit pa ang paghihirap na naranasan niya noon.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang pag-uusap ni Ogie: