Scottie Thompson, nagbahagi ng madamdaming mensahe para sa kanyang asawa na si Jinky Serrano.

103

Best decision ever kung ilarawan ni Scottie Thompson ang pagpapakasal niya sa misis na si Jinky Serrano.

Sinabi ng Barangay Ginebra star na best decision na ginawa niya ang pagpapakasal kay Jinky. Kahit pa inulan siya ng batikos dahil kaka-propose pa lang niya noon sa long-time girlfriend na si Pau Fajardo.

Makikita sa Instagram post ni Scottie ang nakakaantig na mensahe niya para sa kanyang misis. Matapos nilang ikasal noong December 16, 2021.

Tila wala nang pake sa mga basher si Scottie at nag-post ng mga sweet photo nila ng kanyang asawa.

“The best decision I’ve ever made and my life’s greatest blessing! Looking forward to many more memories, adventures, laughs, challenges, small wins and big successes with you!” aniya sa caption.

“Let’s build a solid foundation in the years ahead for our future family and may we always put God at the center of our marriage. Know that I will always be here for you and I’d always choose you in a hundred lifetimes. I LOVE YOU SO MUCH WIFEY!!!” dagdag pa nito.

Kalakip nito ang mga larawan nila ni Jinky na kitang kita ang saya sa kanilang mga ngiti.

 

Sa comment section saad naman ni Jinky “I love you too husband, my rock!”

“My weakness” naman ang tugon ni Scottie sa komento ng kanyang misis.

Ikinasal sina Scottie at Jinky noong June 2021 at muling nagpakasal nitong December 2021, na isang beach wedding ceremony sa Davao del Norte.