Sharon Cuneta, Biglaang Nagtungo Sa Amerika Ng May Dinadamdam, Ano Nga Ba Ang Dahilan?

Lumipad papuntang Los Angeles, California ang Megastar na si Sharon Cuneta nito lamang Martes, ika-11 ng Mayo. Sa isang post nang aktres s...

153

Lumipad papuntang Los Angeles, California ang Megastar na si Sharon Cuneta nito lamang Martes, ika-11 ng Mayo.

Sa isang post nang aktres sa Instagram, ibinahagi niya ang larawan nang kanyang pasaporte, mga paalala ukol sa health protocols na nakapaskil sa paliparan, at sariling litrato kung saan makikitang siya ay nakasuot ng face mask, face shield at hood.

Nakasaad sa caption ng naturang post ang mga katagang, “I’m going home. Of course my real home, where my heart is, is where my husband and children are.”

“But tonight I am flying home to my Mommy’s Gramps’ country, where only my eldest and I are legal residents,”paglilinaw nito.

Sinabi rin niya kung ano ba ang kaniyang pakay sa pag-alis muna sa bansa, “I need to breathe, collect myself, gain strength. Love you all and will miss you guys. Please pray for me, @maraiano.peachy and @annadasig. God bless you always!”

Makikita ring sa isa pang post ni Sharon ang pagpapalam niya sa kaniyang pamilya: sa asawang si Senator Kiko Pangilinan at mga anak na sina Frankie, Miel at Miguel Pangilinan.

“Praying and saying bye to my family..,” nakalakip dito.

Kahapon nga lamang, ika-12 ng Mayo, maayos at ligtas na nakarating ang megastar sa Los Angeles, California.

Nagpost din siya ng larawan kasama ang isa niya umanong matalik na kaibigan.

“Home in L.A. with one of my lifelong best friends on the planet, Lorraine! On our way to dinner. Thank youJesus for a safe and enjoyable flight. PAL Cabin Crew is always the best!”

Hindi tiyak kung hanggang kailan ba ang ilalagi ni Sharron sa Los Angeles.

Ngunit, para sa ongoing na palabas na “Your Face Sounds Familiar”, kung saan isa siya sa mga hurado, ay nakapag-advance taping naman na raw sila.

Sharon Cuneta, inυnahan na ang bαѕhєrs na walang filter ang kanyang larawan.

Maraming na-inspire at nag-kumento sa mga larawan na ibinabahagi ngayon ni Sharon Cuneta sa kanyang social media account.

Makikita na malaki ang nabawas sa timbang at pagbabago nang katawan nito. Pangarap din daw niyang makapagsuot muli ng bikini dahil nawala ang confidence niya noon dahil sa kanyang katawan.

Ilang taon din niyang pinaghirapan ang kanyang slim figure at sa ngayon ay worth it ang kanyang paghihirap at determinasyon. Binabahagi din niya ang before and after pictures sa kanyang social media account.

“Two years after I started changing my lifestyle and eating habits. I was and still am doing it for ME. And I want to live a long, healthy life for and with my children and future grandchildren,”

“Went swimming and had this picture taken today. Now my swimsuit is a size 10. I haven’t been a 10 in many years. My normal size when I was thin was 6 or 8 & I would panic na pag 8! Now to get to size 6 means I need to lose the last 20 lbs. after so many years of trying to get rid of all this extra weight and losing anywhere from 60-80 lbs., 20 doesn’t seem like too much work anymore.”

Ilan sa mga artistang nag react ay sina Alex Gonzaga, Pops Fernandez, Pinky Webb, Candy Pangilinan, Jackie Lou Blanco at Ogie Alcasid. Matatandaang sinagot ni Sharon ang isang harsh na comment sa kanya ng netizen at tinawag siyang “balyena.”

Hindi naman nagalit si Sharon sa naging kumento ng netizen bagkus ay sinagot niya ito ng “Dugong naman! Nagpapapayat pa po. Wait ka lang pag nakatago na ako sa likod ni Kim Chiu comment ka uli ha?”

Madami naman na-inspire sa pagpapayat ni Mega,

“More more more please…When is the next season? Tomorrow??? Hehehe…I’m inspired again to loose weight (ang hirap!!!) because of you and of course health reasons too. Trying to exercise everyday kahit mas masarap matulog. Grabe ang pasa-vogue!!! Di na naman mapapakali ang mga Sharonians.”

“Sorry na lang sa mga maiinsecure pero pinakamaganda ka sa lahat, Mega!!! Pinaka may ѕєχ αρρєαℓ!!!! Vσℓυρtυσυs and hσt!!! Kabogera ng taon!!!”

“No worries about your weight as kong you are healthy, happy. You have a beautiful face and always positive in Life God will bless you more.”

Jake Ejercito, emosyonal na inihatid ang kanyang unica hija na si Ellie sa airport dahil sa pagbalik nito sa Siargao

Isang emosyonal na ama ang nagpaalam ng muli sa kanyang unica hija.

Sa kanyang Instagram post ngayong araw May 10, emosyonal si Jake Ejercito

Nang ibahagi niya ang litrato nila ng anak na si Ellie.

Kuha ito sa airport kung saan hinatid na ni Jake si Ellie pauwi sa Siargao.

Kung saan namamalagi ang ina nito na si Andi Eigenmann kasama ang fiancee na si Philmar.

Pati na din ang mga nakababata niyang kapatid na sina Lilo at Koa.

Samantala, sa nasabing litrato ay makikitang mahigpit ang yakap ng mag-ama sa isa’t isa.

May kuha din na hinahalikan ni Jake ang kanyang unica hija sa noo nito.

Bago pa ito ay nagpost din si Jake ng litrato ni Ellie na natutulog sa couch.

Saad niya sa caption, “Last full day before she returns to her island life.”

Kung matatandaan, si Jake mismo ang sumundo kay Ellie sa Siargao.

Ilang araw din siyang namalagi sa Isla at ang kanyang anak ang personal tour guide niya.

“Basically I was there for four days and three nights. Ayon nga, what’s wonderful about it was naging parang tour guide ko si Ellie. Basically parang local na siya doon, parang local na siya, and ako, first timer ako, so si Ellie ang nag-ikot sa akin,” saad ni Jake sa isang panayam

“I asked her to show me kung saan siya nagpupunta every day, kung saan siya naglalaro, kung saan siya kumakain, so iyon ang mga inikot namin while I was there,” dagdag pa nito.

Nang mga panahon na yun ay first time ni Jake sa Isla.

Dito rin unang nakilala ni Jake nang personal si Philmar Alipayo, ang partner ni Andi.

Sa ngayon ay masaya si Jake na maayos na ang co-parenting relationship nila ni Andi.