Tignan: Mga Pinaka-Engrandeng Kasalan Sa Pinas Na Umabot Ng Ilang Milyon Ang Gastos

Inihayag ng isang socmed page na 'Pinoy History' sa isa nilang post ang mga maringal na kasalang naganap sa kasaysayan ng Pilipinas....

299

Inihayag ng isang socmed page na ‘Pinoy History’ sa isa nilang post ang mga maringal na kasalang naganap sa kasaysayan ng Pilipinas.

Kalakip nga ang mga litrato ng mga itinampok na mga bride at groom, ipinakita ang mga tinantiyang halaga ng nasabing mga kasalan. Bukod pa roon ibinahagi rin ang mga petsa kung kailan nangyari ang kasal.

Ang Top 10 nga sa ‘Grandest Filipino-Wedding in History’ ay sina dating Presidente Ferdinand Emmanuel Marcos at Imelda Romualdez.

Ang kanilang kasal noong ika-1 ng Mayo, 1954 ay nagkakahalaga ng humigit-kumulang Php 2,300,000.00.

Hindi na rin nakapagtataka sapagkat galing ito sa pamilya ng mga politiko at sumunod din siya sa yapak ng kaniyang pamilya noong siya ay maging Presidente mula ika-30 ng Disyembre, 1965 hanggang ika-25 Pebrero,1986.

Sumunod naman sina Gabriel “Gabby” Concepcion at Sharon Cuneta, na ang kasal noong ika-23 ng Setyembre 1984 ay nagkakahalaga ng Pitong milyong piso, nang in-adjust sa Inflation, ngunit kung ilalahad ang halaga nito noong taong 1984 3.8 milyong piso ang magiging halaga nito.

Nagkaroon ng isang anak ang dalawa, at ito nga ay si KC Concepcion. Sa kasamaang palad, naghiwalay ang dalawa noong Agosto 1987, tatlong taon matapos ikasal.

Sinusundan naman ito nang kasalan nina Anne Curtis-Smith at Erwan Heussaff na ginanap noong ika-12 ng Nobyembre, 2017. Nagkakahalaga ito ng tinatayang 17 milyong piso.

Pang-pito naman sina Potenciano Larrazabal III at Donna Yrastorza na ikinasal noong ika-19 ng Setyembre,1998.

Humigit-kumulang 25 milyong piso ang naging halaga ng kanilang kasalan.

Sina Ariel “Aga” Muhlach at Charlene Mae Bonnin naman na nag-isang dibdib noong ika-28 ng Mayo, 2001 ay mayroong tinatayang 27 milyon na halaga ng pagpapakasal.

Sunod naman, sa panglimang pwesto ay sina Yilmaz Bektas at Sharmaine Ruffa Gutierrez na ang kasalang ginanap noong ika-25 ng Mayo, 2003 ay nagkakahalaga ng 28 milyon din.

Ngunit, sa kasamaang palad, naghiwalay din ang dalawa noong taong 2007 dahil magkaiba raw ng kultura ang dalawa.

Kalaunan nga’y inamin ni Ruffa na nakaranas siya ng pisikal at emosyonal na pang-aabuso mula sa dating asawa.  Mayroong dalawang anak ang mga ito at tuluyan ngang na-annul ang dalawa noong taong 2012.

Ang kasalang Vic Sotto at Pauleen Luna noong ika-30 ng Emero, 2016 ang pang-apat sa listahan. Nagkakahalaga ng tinatayang 84.5 milyong piso ang naging kasalan ng dalawa.

Noong ika-14 naman ng Marso, 2004 ikinasal sina Jules Ledesma at Assunta de Rossi.

98 milyong piso naman ang estimated wedding cost ng dalawa na pangatlo sa Top 10 Grand Filipino-Wedding in the History.

Sumunod naman ang kasalan nina Jose Sixto Raphael Dante at Marian Gracia o mas kilala bilang sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Naganap ang kasal ng dalawa noong ika-30 ng Disyembre, 2014.

Naging kontrobersyal ang kasal ng dalawa dahil na rin sa pagka-engrande nito kung saan ay nagkakahalaga ng mahigit-kumulang 103 milyong piso.

Ang pinaka-engrande pa nga sa pinaka-engrande na kasalang nangyari sa Pilipinas ay ang kasal nina Doctor Vicky Belo at Hayden Kho Jr. noong ika-2 ng Setyembre, 2017.

Tinatayang 502 milyong piso o kalahating bilyong piso ang naging halaga ng kanilang kasal. Ito ay talaga namang nakamamangha dahil sa pagka-engrande nito.

Engrande man o simple, mahal man o hindi ang naging halaga ng kasalan, anupaman yan basta’t magmamahalan ang dalawang tao at iginagalang ang sakramento ng kasal, wala nang hihigit pa rito.

Lalaking ρinakasalan ang babaeng triρle ang edad sa kaniya, usaρ-usaρan ngayon dahil sa naging desisyon niya

𝚂𝚒 𝚁𝚊𝚒 𝚊𝚢 𝚒𝚜𝚊𝚗𝚐 𝚍𝚊𝚕𝚊𝚠𝚊𝚖𝚙𝚞’𝚝 𝚠𝚊𝚕𝚘𝚗𝚐 𝚝𝚊𝚘𝚗𝚐 𝚐𝚞𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚗𝚊 𝚋𝚒𝚗𝚊𝚝𝚊. 𝚃𝚞𝚕𝚊𝚍 𝚗𝚐 𝚔𝚊𝚗𝚒𝚢𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚔𝚊𝚒𝚋𝚒𝚐𝚊𝚗 𝚊𝚢 𝚗𝚊𝚋𝚊𝚋𝚊𝚑𝚊𝚕𝚊 𝚗𝚊 𝚛𝚒𝚗 𝚒𝚝𝚘 𝚍𝚊𝚑𝚒𝚕 𝚖𝚊𝚕𝚊𝚙𝚒𝚝 𝚗𝚊 𝚜𝚒𝚢𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚐 𝚝𝚊𝚝𝚕𝚞𝚖𝚙𝚞 𝚗𝚐𝚞𝚗𝚒𝚝 𝚑𝚊𝚗𝚐𝚐𝚊𝚗𝚐 𝚗𝚐𝚊𝚢𝚘𝚗 𝚊𝚢 𝚝𝚒𝚕𝚊 𝚠𝚊𝚕𝚊 𝚙𝚊 𝚛𝚒𝚗𝚐 𝚗𝚊𝚗𝚐𝚢𝚊𝚢𝚊𝚛𝚒𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚔𝚊𝚋𝚞𝚕𝚞𝚑𝚊𝚗 𝚜𝚊 𝚋𝚞𝚑𝚊𝚢 𝚗𝚒𝚢𝚊.

At doon niya nakilala si Anji, isang mayamang babae na triple na ang edad kay Rai. Kahit animnapung taong gulang na ito ay matalas pa rin ang memorya ng matanda at walang sαкιt.

Matagal nang inaalok ni Anji ng isang kakaibang proposal si Rai, at ito ay ang pagpapakasal sa kaniya!

Sa layo ng agwat ng edad ng dalawa ay hindi nakapag tataka kung tatanggi agad ang binata, ngunit sa halip ay sinabi niya na pag iisipan niya ang alok.

Para kay Rai, mabuti niyang kaibigan ang matanda, at alam niyang mabuting tao ito. Inalok din siya nito ng bahay, sasakyan at lahat ng bagay na naisin niya kapalit ng pagiging kabiyak habang buhay.

Nais lang naman ng makakasama ni Anji ngunit karamihan sa mga nakakasalamuha niya ay mga lalaking nais lamang ang pera ng matanda.

Kung kaya naman noong nakilala niya si Rai na talagang nagpakita ng totoong malasakit sa kaniya ay agad na niya itong niyaya ng kasal.

Matapos ang ilang buwang pag iisip ay pumayag na rin si Rai sa kagustuhan ni Anji, at pinakasalan niya ito kahit inulan siya ng pang babatikos, lalong lalo sa kaniyang mga magulang mismo.

Ang mahalaga para sa binata ay mayroong mag aalaga sa kaniyang kaibigan na hindi siya pagsasamantalahan.

Para naman kay Anji, alam niyang tama ang desisyon na ginawa niya dahil mabuti at totong tao si Rai.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!