TINGNAN: Ang larawan ng beteranang aktres na si Gloria Romero noong siya ay dalaga pa, talaga nga namang kaakit-akit sa ganda!

189

Ang beteranang aktres na si Gloria Romero ay isa sa mga tinitingalang artista noong kaniyang henerasyon kahit naman magpa-hanggang ngayon. Kilalang-kilala siya ng ating mga lolo at lola. Napaka-sikat na aktres noong kapanahunan niya si Gloria, siya ay kinilala dahil sa kaniyang galing sa pag-arte. Hindi lang siya magaling na aktres, kapansin-pansin din ang kaniyang taglay kagandahan.

Ang aktres ay kilala ngayon ng mga kabaatan sa GMA 7 show na “Daig Kayo ng Lola Ko’” bilang si Lola Goreng. Sa mga larawang ibinahagi, hindi maitatanggi ang kaniyang kagandahan nung siya dalaga pa. Marami ang humanga sa kaniyang ipinakitang larawan. Una siyang napanood sa pelikulang, “Ang Bahay sa Lumang Gulod” kung saan siya extra pa lamang noong taong 1949.

Hangggang siya ay kinuha bilang isang aktres sa pamamahala ng Sampaguita Pictures. Dahil siya ay nakitaan ng malaking potensiyal na maging isang artista. At nagsunod-sunod na ang kaniyang mga proyekto sa telebisyon at pelikula kaya tinawag siyang “Queen of Philippine Movies” noong 50’s at 60’s. Si Gloria ay ipinanganak sa pangalang Gloria Galla, ang kaniyang ama ay isang Pilipino na si Pedro Galla at ang ina naman niya ay isang Spanish-American na si Mary Borrego Miller at siya ay ipinanganak sa Denver, Colorado sa Amerika.

Siya ay umibig at ikinasal kay Juancho Gutierrez na isang matinee idol noon, sa isang pelikula sila nagkakilala at nagkapalagayan ng loob. Ang kanilang pag-iibigan ay nagbunga ng isang anak na babae na si Maritess at nagkaroon din siya ng apong lalaki na naging teen-actor din na si Christopher Gutierrez. Umabot na sa mahigit anim na dekada ang kaniyang naging karera sa entertainment industry. Nagawaran pa siya ng mga awards bilang Best Actress sa kaniyang pelikulang “Dalagang Ilocana” na ipinalabas noong 1954 sa ilalim ng Sampaguita Pictures.

Nasungkit pa niya ang Best Actress award din sa pelikulang “Rainbow Sunset” noong 2018. Bago siya naging kapuso taong 2011 ay matagal din siyang naging kapamilya sa loob ng dalawang dekada. Kaya sa kaniyang ibinahaging larawan nung kaniyang kabataan maraming mga netizens ang napa-wow sa kaniyang napakagandang mukha. Narito ang iilan sa mga komento ng kaniyang ibinahaging larawan. @Jhon Jhay F. Villegas: “Ang lola namin, ang p𝔦naka mag𝔞ndang babae sa television n nkita ko noon at hanggang ng𝔞yon… DAIG KAYO NG LOLA KO.” @Clarissa Nide: “Wala parin kupas ang iyong kagandahan Ms. Gloria, parang lola ko lang hanggang ng𝔞yon buhay pa siya at anlakas lakas pa at syempre maganda padin l𝔬veyou lolaq.”

Sikat na social media influencer na si Ms. Everything, sinurpresa ang marami sa kanyang pagpaparetoke ng mukha!

Ms. Everything, bongga ang glow up!

Sinurpresa ni Ericka Camata o mas kilala sa bansag na Ms. Everything.

Maaalala na siya ay sumikat dahil sa kanyang Tiktok video na nag viral. Ginawan niya kasi ng sariling version ang kanta ni Anne Marie na 2002.

Marami ang talagang naaliw sa viral video na ito kaya naman mabilis na sumikat ang pangalan niya. Maliban dito, binansagan siyang Ms. Everything dahil sa kanyang vlog.

Imbes na “Hello, everyone!” ang bati niya ay “Hello, everything! How are you to find out?” kaya naman aliw na aliw sa kanya ang marami.

Si Ericka ay tubong Samar at malaki na din ang nabiyaya sa kanya mula nang siya ay nag viral. Ngayon nga, ginulat niya ang marami sa kanyang glow up transformation!

Hindi lang ito make up na glow up! Kung hindi, total transformation ng ating nag iisang Ericka Camata!

Sa isang Facebook post, ipinakita ang before and after photo ng social media star.

Bukod sa pinaretoke niya ang kanyang ilong, narito ang ilan pang pinagawa ni Ms. Everything:

Madami ang nagulat sa comeback na ito ni Ms. Everything dahil matagal na din nang siya ay nag pahinga sa social media.

Sa kanyang Facebook naman, nag change profile picture na din siya featuring ang kanyang new look!

Lalong gumanda si Ms. Everything dahil for sure, mas tumaas ang kanyang self confidence! You, go girl!