TINGNAN: Ang ‘stunning photoshoot’ ng 17th birthday celebration ni Lyca Gairanod na nag-ala cover girl!

92

Ang ‘The Voice Kid’ champion na si Lyca Gairanod ay masayang nagdiwang ng kanyang 17th birthday nito lamang November 21, 2021. Tila usap-usapan ngayon ang ginawang birthday photoshoot ni Lyca dahil lumabas ang kanyang natatagong kagandahan. Mula sa batang namumulot lamang noon ng basura, ay isa ng ganap na dalaga ngayon.

Source:IG/jasondystudio

At dahil na rin sa isang vlog ng TV-host na si Karen Davilla kung saan silang dalawa ni Lyca ay nag-viral online dahil sa kanilang naging reaksyon ng malaman nilang sila ay magkabirthday pala. Samu’t-saring mga ‘memes’ ang nagsipaglabasan matapos lumabas ang vlog na ito ni Karen naging katuwaan sila ng mga netizens.

Source:IG/jasondystudio

Samantala, bilang prepasyon ng ika-17th birthday ni Lyca nagkaroon muna siya ng isang birthday pictorial. Kung saan makikita sa kanyang mga kuhang larawan ang malaking pagbabago sa kanya. Kitang-kita na ganap ng siyang dalaga kung maikukumpara siya noong nagsisimula pa lamang siya sa showbusiness.

Source:IG/jasondystudio

Sa isang larawan ng photoshoot ni Lyca mala-cover girl ang naging dating ng kanyang ‘looks and outfit’. Mapapansin rin sa larawan ang fiercer look ng dalaga sa kanyang suot na kulay lavender at ang isang larawan na may emerald green backdrop na napaka-glamour niyang tingnan. Isa pa sa mga nakakamanghang larawan ni Lyca ay ang low poinytail at napaka-classy all-white off-shoulder niyang damit. At siyempre hindi naman pahuhuli ang kanyang denim piece styled with silver chains at ang kanyang sparkly thigh-high boots kung saan nagpapakita ito ng kanyang pagiging isang superstar.

Source:IG/jasondystudio

Ang mga larawang ito ay kuha ng kanyang The Voice alum and budding photographer Jason Dy. Ang kanya namang mga kasuotan ay gawa naman ng stylist na si Myrrh Lao To at ang kanyang hair and makeup na obra naman ni Mycke Arcano at Angeline Dela Cruz.

Source:IG/jasondystudio