Toni Fowler at Lai Austria, mainit ang paranigan ngayon sa social media matapos ipa-Raffy Tulfo si Rob Moya!

148

Painit ng painit ang isyu ng dating magkasintahan na sina Toni Fowler at Rob Moya.

Kahapon May 3, ay tuluyan na ngang inireklamo ni Toni ang kanyang ex-partner na si Rob sa programa ni Tulfo.

Kung saan ay inilahad ni Toni ang lahat ng kanyang hinaing laban kay Rob.

Una ay sa pangagamit diumano sa kanyang anak na si Tyronia sa isang content nito.

Ginagawa daw diumano katatawanan ni Rob ang isyu sa perang ginalaw diumano ng bineta ang savings ni Tyronia.

Ito ay nagkakahalaga diumano ng halos tatlong milyon.

Sa parteng ito ay ibinahagi naman ni Idol Raffy na maaaring kasuhan ni Toni si Rob ng child abu’se.

Sa nasabing programa ay inilahad din ni Toni na nais niyang bawiin ang mga sasakyan na binili niya para sa dating nobyo.

At makatapos nga ng kanyang panayam sa Raffy Tulfo In Action, tila isang iringan na naman ang nabuo.

Sa social media ay tila nagkaparinigan sina Toni at ang bagong kasintahan ni Rob na si Lai Austria.

Bago pa man magsimulang umere si Toni sa Tulfo ay nagpost na siya sa kanyang social media account na 2pm siya sasalang.

Sa post naman ni Lai tila nangungutya ito ng sabihing 3pm na at kung aabot pa daw ba siya.

Iniugnay ito ng mga netizens sa post ni Toni.

At hanggang dito na nga nagsimula ang kanilang parinigan sa isa’t-isa.

Saad naman ulit ni Toni ay huling aksyon na niya ito ukol sa isyu, tinirada niya din si Lai at tinawag na p0kp0k.

Dito ay muling umalma ang bagong kasintahan ni Rob at mas lalong naging mainit ang kanilang patutsadahan.

Ngunit sa gitna ng iringan ng dalawang babae, proud namang ipinangalanadakan ni Rob ang kanyang “baby girl.”

Ito ay nang ipost niya ang interview ni Lai sa isang vlogger.

Read also:

Toni Fowler, tuluyan ng inireklamo ang ex-boyfriend na si Rob Moya sa Raffy Tulfo dahil sa paggamit nito sa pangalan ng kanyang anak!

Hindi na nga napigilan ang galit ni Toni Fowler sa kaniyang dating kasintahan na si Rob Moya.

Tuluyan na ngang dinala ni Toni ang reklamo niya laban kay Rob sa programa ni Raffy Tulfo.

Ngayong araw, May 3, ay naisalang si Toni sa live interview kay Idol Raffy.

Dito ay inilahad niya ang mga hinaing niya laban sa dating kinakasama.

Kung matatandaan nakaraang araw lang ay sunod sunod ang social media post ni Toni laban kay Rob.

Pinakita din niya ang screenshot ng mensaheng ipinadala niya sa Raffy Tulfo In Action na humihingi na nga siya ng tulong.

Nag-ugat ang lahat ng ito ng idamay di-umano ni Rob ang kaniyang anak na si Tyronia at ginagawang katatawanan diumano.

Samantala, sa nasabing programa ay inilahad lahat ni Toni ang kaniyang himutok laban kay Rob.

Sinalaysay niya lahat ng mga isyu sa pagitan nilang dalawa, magmula sa kung bakit sila naghiwalay hanggang sa bawian ng ari-arian.

Siniwalat din ni Toni sa programa ni Idol Raffy ang paggasta ni Rob ng tatlong milyong savings ng kaniyang anak.

Halos 2.7 million daw ang nawala sa savings ni Tyronia na si Rob ang may hawak.

Nais din di-umano ni Toni na bawiin ang mga sasakyan na binili niya para sa dating nobyo.

Hindi na daw sana niya ito kukunin muli kung nanahimik na lang daw sana si Rob at hindi na siya pinakealaman pa.

Samantala, ibinahagi naman ni Idol Raffy na may posibilidad na humarap sa kasong child ab’use si Rob.

Ito ay dahil sa pagdawit kay Tyronia.

Sinusubukan umanong kontakin ng RTIA staff si Rob para sagutin ang mga binabato sa kaniya.

Ngunit hindi ito tumutugon sa tawag sa kaniya. Kaya naman nagbigay na lang din si Toni ng mensahe niya para sa binata.

Makaka-asa naman daw si Toni ng suporta kay Idol Raffy.