Toni Fowler buong pusong sinuportahan ang ex-BF na si Rob Moya para sa surpresa nito sa bago niyang kasintahan

455

Ipinakita ni Toni Fowler ang totoong ibig sabihin ng pagmamahal.

Bagamat hiwalay na si Toni sa kanyang dating partner na si Rob Moya, buong puso pa din ang pagsuporta nito para sa binata.

Kamakailan nga lamang ay si Toni pa mismo ang nag-arrange ng surpresa ni Rob para sa kanyang nililigawan.

Sa condo kung saan naninirahan ang ToRo family ginanap ang nasabing surpresa ni Rob para sa bago nitong kasintahan na si Jennifer Del Rosario.

Si Toni ang nag-ayos ng mga rose petals na ginawa niyang hugis puso. At habang inaayos niya ito ay ibinahagi niya ang kanyang nadarama.

Ayon kay Toni naging emosyonal siya dahil masaya siya para sa bagong pag-ibig ni Rob. Ito daw kasi talaga ang hinihiling niya para sa dating nobyo.

Dahil aminado siya na sa naging relasyon nila noon ay nasaktan din niya ang binata. Kaya naman para makabawi siya sa mga nagawa niya sa nakaraan ay full support ang ibinigay niya rito.

Maging ang anak niyang si Tyronia ay tumulong sa paghahanda para sa sorpresa. Lingid umano sa kaalaman ni Jen ang sorpresang ito dahil inakala nitong simpleng meet-up lang ang kanilang gagawin.

At sa kanila ngang unang pagkikita ay tila nagkagaanan na ng loob ang dalawa. Ayon kay Toni, masaya siya at hindi intrimitida ang bago ni Rob.

Pinasalamatan din ni Toni si Jen sa pagpapasaya nito kay Rob matapos ang masalimuot na pagbabangayan nila.

Umani naman ng samu’t-saring reaksyon ang ginawang ito ni Toni.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

“Naiiyak aq. I know now why Toni Fowler is being blessed continuously”

“Sakit neto kakalungkot makita yung mag ina na nasagilid at taga palakpak nalang ng lalaking minsang naging sakanila”

“ramdam ko deep inside nasasaktan din si mommy oni kasi naging big part si daddy rob sa buhay nilang mag ina”

Rob Moya, emosyonal ng nagpaalam sa kanyang ex-girlfriend na si Toni Fowler dahil sa panibagong pag-ibig nito ngayon

Naging emosyonal ang muli o tila huling pagtatagpo ng dating magkasintahan na sina Toni Fowler at Rob Moya.

Sa latest vlog ni Rob Moya ay naging guest niya ang dating partner na si Toni Fowler. Dito ay napagkasunduan nilang ayusin ng muli ang kanilang pakikitungo sa isa’t-isa.

Ito ay matapos ang ilang isyu na ibinato nila sa magkabilang kampo matpos ang kanilang maintrigang hiwalayan.

Sa nasabing vlog na may title na, “Nagpaalam na ako kay Mommy Toni” ay pinag-usapan ng dalawa ang kontrobersiyang kinasangkutan nila.

Nagkapatawaran na sila at inamin ang kani-kanilang mga kamalian.

Isa na dito ay nang magkaroon ng feelings si Toni kay Tito Vince habang magkarelasyon pa sila noon ni Rob.

Sa isang parte ng kanilang video ay hindi naman napigilan ni Toni ang maging emosyonal. Habang sinasabi niya na lahat ay may karapatang mabigyan ng pangalawang pagkakataon.

Upang maitama ang mga kamaliang nagawa sa nakaraan.

“Nakakaiyak naman ‘to, mommy,” saad ni Rob na pinipigilan ang kanyang mga luha. Habang inilalahad ni Toni ang usapin tungkol sa pagpapatawad.

At kung paano pa rin siya nag-aalala para sa dating nobyo.

Sa gitna ng kanilang pag-uusap, inilahad ni Toni na ang rason kaya siya binisita ni Rob ay para ipaalam sa kanya na may bago na itong nililigawan.

“Si Daddy Rob, kaya po siya andito, hinihingi niya yung basbas ko na ipapakilala na po niya sa inyo ang babaeng nililigawan po niya,” paglalahad ni Toni.

Sinabi daw ito sa kanya ni Rob bilang respeto sa kanya, at para na rin daw hindi maapektuhan ang feelings ng anak niyang si Tyronia.

Naging masaya naman ang ToRo fans dahil sa pagkaka-ayos ng tinatawag nilang Mommy Oni at Daddy Rob.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang video: