Video ni Andrea Brillantes, umani ng samut-saring reaksyon ngayon matapos magviral sina Seth at Francine!

150

I gave my all and they all know it.

Ito ang bahagi ng lyrics ng background music na sinasabayan ni Andrea Brillantes sa kanyang latest TikTok video.

Tila ito ay kaugnay sa viral ngayon na larawan nina Seth Fedelin at Francine Diaz. Kung saan makikitang kasama sa tila isang okasyon ng pamilya ni Francine si Seth.

Kitang kita din na kakaiba ang closeness ng aktor sa pamilya ng dalaga. Kaya naman agad na hinala ng netizens ay may relasyon ang dalawa.

Gayung alam naman ng publiko na ang mgaka-love team talaga ay sina Seth at Andrea. Sikat na sikat ang kanilang tambalan at marami ang kinikilig sa kanila.

Akala pa nga ng iba ay mauuwi na sa pagkakamabutihan ang kanilang love team. Matatandaan na sinabi pa noon ni Andrea na special friend niya si Seth.

Kaya naman dahil dito ay agad ding nagviral ang TikTok video ni Andrea. Kung saan tila madamdamin ang sinasabayan niyang kanta.

Ito ay ang ‘Lose You To Love Me’ ni Selena Gomez.

 

May lyrics itong,  ‘I gave my all and they all know it’
‘You turned me down and now it’s showing’
‘In two months, you replaced us Like it was easy’
‘Made me think I deserved it’

Ayon sa mga netizens ay saktong sakto daw ito na tila katanungan para kina Seth at Francine.

Napag-alaman din na hindi na naka-follow si Andrea sa Ig ni Francine. Mukhang may hinanakit nga talaga ang batang aktres.

Samantala, wala namang ibinibigay pa na pahayag sina Francine at Seth ukol sa kanilang mga viral photos.